Shh, I'm Sleeping
The time flies smoothly, aakalan mo na normal ang buhay ng mag-anak, walang mga sundalo na anak at walang sikat na modelo, walang sundalo na pinsan na nagpapanggap na tapat sa Au clair de lune, at walang lalaki nagngangalan na Zayn Eros na nagpagulo sa dati nang magulo na buhay ni Eleuthera.
Ang lahat ay nagkakasiyahan ngunit hindi kabilang doon ang dalawang sa pinakalikod naka-upo, Zayn Eros at Lelios. Sumasakit na ang parehong leeg sa hindi pagbaling sa isa't isa, mga robot kung umupo, nangangalay na ang paa at kamay sa hindi paggalaw. Nagiinit ang bawat awra, naiinis at pinapatay sa isip ang bawat isa. Walang senyales na magkakasundo pa ang dalawa lalo na at hindi pa alam ni Zayn Eros na pinsan ito ng babae. Nakahinga si Z
ayn Eros nang maluwag nang makarating na sa destinasyon na tinatahak. Malapit ang Nakamura's Resort sa lugar ng mga Augustine kaya hindi na nagtagal ang mala-impyerno niyang byahe.