Alipin Ng Tukso
Pero yung mga bakal, bote at lumang appliances, tinabi namin.
“Puwede pa ‘to sa junk shop,” sabi ni Larkin. At oo nga, napaisip din ako. Kahit paunti-unti lang, dagdag din ‘yon sa pambili ng ibang gamit sa negosyo namin.
NANG BANDANG TANGHALI, matapos ang halos kalahating araw na pag-aayos, tumawag kami ng junk shop at binenta ang mga maaaring i-recycle. Hindi naman kalakihan ang kinita pero sapat na para makadagdag sa budget. Natawa pa ako nung binibilang ni Larkin ang kita namin, tapos nag-joke pa siya.