Dark Secret | Filipino
Iyong maramdaman na wala ka na pa lang hinahanap na kulang sa ’yo dahil natanggap mo ng buo sa sarili mo na hindi ka perpekto, at iyon ang kumompleto sa kakulangang hinahanap natin.
Oo, hindi tayo perpekto kaya naman kahit tanggapin man natin o hindi, mayroon at marami tayong kakulangan sa mga bagay, tao, pakiramdam pero sapat na ang pang-araw-araw na buhay upang magpasalamat sa mga blessing na mayroon sa atin; at ito ang acceptance and forgiveness na matagal na nating hinahanap sa sarili natin upang maramdaman na hindi natin kailangan ang iba para i-proved ang mga mayroon sa atin, na hindi natin kailangan ang iba upang makompleto tayo dahil tayo mismo ang kokompleto sa sarili natin.