Not Your Wife Anymore
“Simple lang. Ang sikreto ko ay unti-unti kong minahal ang sarili ko. Kinapitan ko ang tapang, hindi para ipaglaban ang sarili sa ibang tao, kung hindi para tahakin ang isang panibagong buhay ng buo ang loob. Hindi ko na inisip ang sasabihin ng iba, kung ano ang tingin nila sa akin. At hindi ko hinayaan ang ibang tao na diktahan kung sino ako o kung ano dapat ang maging ako.”
“Tinanggap ko ang mga rejections, pero hindi ko hinayaang makaapekto sa akin ang mga iyon. Ako ay ako. Ako ang nakakaalam kung sino talaga ako. Ako ang may hawak ng sarili kong kaalaman at kakayahan. Madalas kong balikan sa isip ko ang mga hindi magandang pangyayari sa aking nakaraan. At isinumpa ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na muling tatahakin ang lumang daan. Ang
landas na patutunguhan ko ngayon ay bago na, at ako ang masusunod sa bawat hakbang na gusto kong lakaran.”
“Maraming salamat, Ms. Raven Santana. That’s a very inspiring speech. Everyone, let’s congratulate this awesome lady on winning a gold medal inspite of all what happened!”