Sandoval Series #7 : Trapped in the Midnight
"Masalimoot ang buhay na pinagdaanan ko. Lumaki akong malungkot, lumaki akong takot, lumaki akong walang kaibigan. Sinanay ko ang sariling mag-isa dahil alam kong wala namang magmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal ng pamilya ko pero dumating kayo sa buhay ko. Sa totoo lang ayaw ko na sana, ayoko nang magpapasok ng tao sa buhay ko. Ayaw ko nang makaramdam muli ng pagmamahal dito sa puso ko pero simula nung makilala ko kayo, nagbago lahat. Binago ninyo ang buong pagkatao ko. Tinuruan ninyo akong magmahal at magtiwala ulit. Dahil sa inyong tatlo, nagkaroon ng direksyon, nagkaroon ng bagong kahulugan ang buhay ko."
"Pinarealize niyo sa akin na masaya pala ang buhay. Na pwede pa palang mang
arap, na may pag-asa pa. Na pwede ding magkamali, pwedeng malungkot at pwede ding maging mahina. Ayos lang maging mahina Therese. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating ipilit na malakas tayo. Pwede tayong magpahinga at huminga saglit. Normal lang din na masaktan tayo. Minsan kailangan din nating masaktan para lalo tayong tumibay."