The Zillionaire's Abandoned Wife
“Hoy grabe ka! Hindi lang ‘yon! Gusto ko lang... ewan, lumabas. Maglakad, then kumain after. Magpamasahe sa masahista kasi sawa na ako sa kaniya—e-este, mag-spa na kasi tayo! You know, syempre gusto ko kasama kita.”
“Ahh, gusto mong gumala. Ray, nasa trabaho ako, hindi to call-a-friend hotline,” natatawang sagot ni Trixie habang iniiwas ang phone palayo sa conference table.
“Kaya nga kita tinawagan, para naman kahit paano eh marelax yang utak mong punong-puno ng kung ano-anong issues at tech stress. Let’s go out! Gala tayo! Spa, mani-pedi, sushi o kahit mag-shopping lang sa Rockwell, libre ko na ‘pag sumama ka, please lang?”