Kiss Of The Wind Book 1
MissLuzy
"I used to love him before, I adore him and cared for him, but it all wasted when I found out something about him. Akalain mong nagpropose pa siya sakin. And I say yes. Then after that, a few days later, nalaman kong niloloko niya lang ako. Hindi dahil sa nambabae siya kundi dahil nalaman kong ginamit niya lang ako para sa pera. He wants my money and everything I had. Noong una, pinipilit kong huwag paniwalaan ang natuklasan ko and I am still expecting a lot from him. Gustong-gusto ko siyang magpaliwanag sakin kasi gusto kong intindihin siya which he never did. Kaya nakipaghiwalay agad ako sa kaniya dahil wala na akong tiwala pa. Then after three years, nagpakita ulit siya sakin para kulitin ako na makipagsosyo sa kaniya na para bang wala siyang ginawang mali sakin dati. But I never let him in. Ayoko na si
yang makita pa dahil gusto ko na siyang kalimutan pati na rin ang mga alaalang pinagsaluhan namin dati. I want to forget about all of our past. That's why I'm here."
Ni kahit minsan o kahit sa nakalipas na tatlong taon ay wala siyang pinagsabihan sa tunay niyang nararamdaman at kahit sa sarili niyang pinsan ay hindi niya pinagtapat. Hindi siya umiyak noong nakipaghiwalay siya kay Harold pero alam niyang durog na durog at nasasaktan na siya. Hindi niya iyon ipinakita kahit kanino, kahit Kay Carlie. Ngayon ay nakaya pa niyang ikwento lahat ng pinagdaanan niya dito sa taong kaharap na sandali niya lang naman nakilala.