Midnight Rain
Juris Angela
“Ewan ko pero naniwala man siya o hindi, I don’t care. Basta masaya ako kanina.”
Napangiti si Luisa nang marinig niya itong tumawa ng marahan. Napatingin siya sa kamay ng kunin iyon ni Levi at laruin ng mga daliri nito. Alas-dos ng madaling araw kasabay ng pagbuhos ng ulan ay nagulat si Luisa at dumating ang nobyo, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil nagsabi na ito na hindi makakapunta. He missed her. He wanted to see her. Iyon ang naging sagot ni Levi, kaya sa halip na umuwi at magpahinga sa bahay ay doon ito dumiretso sa kanya.