Ang Maalindog na Charlie Wade
Malamig pa rin ang boses ni Charlie nang tumugon siya, “Kahit ang tatay mo ang gumawa ng lahat ng ito, bilang asawa at ama, masama na ngang hindi mo naprotektahan ang asawa at mga anak mo. Nang maaksidente pa sila Sophie, hindi mo man lang ipinaghiganti ang dalawa. Sa halip, tumakbo ka pa pabalik sa panig ng tatay mo para makisipsip at purihin ang isang mamamatay-tao. Wala kang pinagkaiba sa mga diktador na patuloy na inaalipusta ang mga biktima nila! Isa itong patunay na bukod sa kawalan ng moralidad, wala ka ring pagmamahal sa pamilya mo. Wala ka talagang hiya! Handa ka pang pagtaksilan ang sarili mong mag-ina para lang sa dangal at tagumpay mo!”
“Isinuko mo ang pagkatao, dignidad, at sarili mong laman at dugo para lang manahin ang assets
ng pamilya Schulz. Sa mga mata mo, mas higit ang pera kumpara sa kahit ano. Wala kang pinagkaiba sa isang tumpok ng basura!”