SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC
TALACHUCHI
sigaw niya sa isip, bago kumapit sa baging ng malaking puno at maingat na bumaba.
Si Quaro ay naghintay bago tumawid sa tulay, at nang makalapit na siya ay saka nito binuksan ang bitbit na flashlight. Doon lang niya namalayan na tuluyan na palang nilamon ng dilim ang paligid, at dahil sanay na ang mga mata niya sa dilim ay hindi niya iyon kaagad na napansin.
"Good girl," nakangising sabi ni Quaro nang makalapit siya. "Akala ko pa man din ay tototohanin mong maghuhubad para buhatin kita."