That's What They Told Me
"No. Mas pipiliin ko nang bumalik ka sa lugar kung saan malinaw na galit sayo ang mga tao. Kesa sa lugar na pinamumugaran ng mga lobo na nagbabalat-kayong tupa, nagpapanggap na mabuti para paikutin at gamitin ka sa pansarili nilang kapararakan."
It was my turn to zone out.
Perplexed, I wasn't able to utter any single word. That line was so familiar, but it depicted an opposite context that's why I couldn't comprehend in an instant.
"Don't let those two-faced people manipulate you, Lumi. Don't trust them," mataman niyang sambit sa akin.
Natawa ako, nababaliw na ata. I found it funny. I didn't know why.
"That's exactly what they told me about people like you," sabi ko na ikinagulat nila.