Lahid
Isang mahabang paglalayag para sa panibagong buhay.
Umingay ng malakas ang alarma ng barko nang makita na sa hindi kalayuan ang pantalan ng Maynila. Nasa aking kwadro ako nang marinig iyon at habang nagbabasa ng pangalawang kabanata ng Les Miserable, isang nobelang gawa ni Victor Hugo, kilalang manunulat ng Pransya. Nabili ko ito sa isang tindahan ng mga aklat sa Paris upang maging aking libangan sa usad ng paglalakbay. Dinala ko rin ang iba ko pang mga libro at nobela.Pagbabasa ang aking tanging nakahiligan at nahiligan ko ito simulang binilhan ako ng aking ama ng isang libro.