Kakaibang Tikim
May lounge area sa gilid kung saan puwedeng umupo ang mga guests at uminom ng wine habang pinapaliwanag ng mga trained sommeliers ang bawat bote.
May mga imported wines, pero higit sa lahat, pinagmamalaki ni Fletcher ang sariling likha niyang tatak—isang koleksyon ng red, white, at rosé na galing sa sarili niyang vineyard. Sa bawat label, makikita ang pirma niya at ang linya: “Bottled after freedom.”
“Astig ng branding mo, Fletcher,” sabi ni Celestia habang kinukuhanan ng litrato ang isang bote.