My Jerk Husband
''mariing sabi ko dito, nakita ko ang paglamlam ng mata nito saka ang pagtangka nitong lumapit sa akin pero biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at bumungad sa paningin ko si Zig, bakas ang pag aalala sa mukha nito ng lumapit ito.
Nakita ko ang pagbabago ng aura ni Larry ng makita nito si Zig na panay ang tanong sa akin.
''Okay lang ako Zig.'' sabi ko dito, natigilan naman ito ng mapansin na nito si Larry.
''Sino ka?'' tanong ni Larry kay Zig, walang kakurap kurap, basta titig na titig lang ito.
Hanggang sa maisipan ko na magagamit ko ngayon ang pagkakataong ito, para maitaboy kona ito paalis sa opisina ko.