Hired to Serve, Forbidden to Love
Twelve million pesos.
Iyon ang halaga ng utang ng pamilya ni Calessia Zerdan, at ang presyong nagdala sa kanya sa poder ng CEO na si Marc Landon Belmonte.
Sa ilalim ng isang personal service contract, kailangan niyang sundin ang bawat utos ng lalaking kilala sa pagiging walang awa.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas mapanganib ang relasyon nila, lalo nang magsimulang mabura ang linya ng kontrata at pag-ibig.
Hanggang may bumalik mula sa nakaraan, dala ang katotohanang kayang sumira sa lahat.
Mapipilitan si Calessia na pumili… kalayaan, o ang lalaking una pa lang, hindi niya dapat minahal.