Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
582 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10513 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
RESCUED BY A MAFIA LEADER

RESCUED BY A MAFIA LEADER

Azuus
CASSY ALONTO, isang ulilang dalaga na nagmula sa bahay ampunan ang mapipilitang magtrabaho sa isang drug assossiation matapos siyang malinlang na bibigyan siya ng maayos na trabaho. Hindi siya makakatanggi sapagkat, buhay niya ang kapalit. Magiging tagahatid siya ng droga. At dahil sa angking ganda nito’y mapapansin siya ng kanilang druglord. Kaya naman, plano niya itong gawing babae. Na siya namang, hinding hindi masisikmura ni Cassy. Ayaw niyang maging parausan ng may edad na lalaki. Lalo pa at, nasa labing pitong taong gulang pa siya. Dahil sa nalamang plano ng kaniyang amo’y magbabalak siyang tumakas. Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa maging parausan lang. Sa kaniyang pagtakas ay hahabulin siya ng mga tauhan ni Don Alfonso. At dahil makapangyarihan nga ito’y mahihirapan siyang magtago rito. Kalaunan nga’y mahahanap rin siya ng mga tauhan nito. Ang inaakala niyang, tuluyan siyang mabibihag nang sapilitan siyang hatakin sa van ay siya namang dating ng isang itim na sasakyan. Kung saan, iluluwa nun ang di pamilyar na mukha ng lalaki. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ay makikitang, pinagpapatay ng estrangherong lalaki ang kikidnap sa kaniya. Paano kung, ang inakala niyang nakatakas siya sa sindikato ay siyang mas lalong pagmulat niya. Lalo pa at, ang lalaking nagligtas sa kaniya'y isa palang Mafia Leader. Gagawin rin ba siyang tauhan nito, o palalayain? Ano ang dahilan nito para iligtas siya sa mga taong kagaya rin naman niyang druglord. Abangang ang kuwentong pag-ibig ni Cassy at Kaizer sa Rescued By A Mafia Leader.
Romance
550 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10508 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

“Love.” “Boobae.” “Jes?..” It feels like a reunion for Nick, George, Scarlett, and Jessica. After five years, muli silang nagkita. Ngunit sa pagkakataong ito, para silang estrangherong apat. Pare-parehong kumunot ang noo nina Nick, George, at Scarlett nang titigan nila ang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica. She is not Jessica, bulong nila sa sarili. Ibang-iba siya sa Jessica na kilala nila. Ang babaeng nasa harap nila ay isang sophisticated woman with a strong aura. The way she dresses, halos nipple na lang ang natatakpan. Malayong-malayo sa dating Jessica. Hindi ganito si Jessica. Mahinhin siya, mahiyain, mabait, maunawain. Pero ang babae sa harap nila ngayon ay puno ng kumpiyansa sa sarili. Ang isang titig pa lang niya ay parang kutsilyong gustong dumurog sa'yo. Yes, gano’n na gano’n ang kanyang aura. Matapang. Hindi nagpapa-api. Ang pag-asa ng tatlong magkakaibigan ay tila naglaho. Dahil si Audrey Castellan ay hindi kailanman magiging si Jessica. Ang pinakamamahal nilang si Jessica… ay limang taon nang patay. Maghihilom na kaya ang puso nilang sugatan mula sa matinding pagsisisi sa sarili, sa muling paglitaw ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica? May pag-asa bang muling liliwanag ang madilim nilang mundo… dahil kay Audrey Castellan? Malalaman natin 'yan sa Book 2 ng Unstoppable Desire: Revelation and Road to Happiness.
Romance
512 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle

Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle

Sa patong-patong na utang na kinakaharap, hindi na alam ni Maeve kung sino pa ang tatakbuhan. Idagdag pa ang nanay niya na nasa loob ng kulungan at pakikiapid ng kanyang kasintahan. Kung kailan handa niya ng bitawan si Drake ay siya namang pagsulpot ni Xavier sa buhay niya. Ang tiyuhin ng dating fiancee, hindi lamang ginulo ang kanyang utak, isinama na rin ang kanyang puso na inakala niyang nanahimik at isa ng bato. Sa pang-aakit ng tiyuhin nito, handa ba niyang ipagkatiwala ang sarili dito? Sa pagdating ni Xavier sa buhay niya, mararamdaman niya na ba ang kasiyahan na inaasam-asam?
Romance
10448 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Playing With My Boss

Playing With My Boss

Mahal na mahal nina Mathia at Draken ang isa't isa at halos hindi sila mapaghiwalay ng tadhana. Nangyari ang nangyari sa kanilang mga buhay at magbubunga 'yon ng isang bata na nasa sinapupunan ni Mathia. Ngunit imbis na sumaya ay nalungkot at halos bumigat ang pakiramdam ni Mathia nang bigla siyang iwan ng kasintahang si Draken. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngunit nagpakatatag siya para sa anak. At sa hinaba-haba ng panahong lumipas, muling magkikita ang dalawa gayundin ay masisilayan ni Draken ang kaniyang anak sa dating nobya. Bakit nga ba nagawang iwan ni Draken ang kaniyang mag-ina?
Romance
10435 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne

Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne

Nagulat na lamang si Ysabel nang may mga armadong lalaki ang pumunta sa kanilang bahay at pilit siyang kinuha kahit na may malubhang sakit ito. Mas lalong nadurog ang kanyang puso nang malamang may pagkakautang at atraso ang kanyang ama kay Harrem Lavigne, na isang muti-billionaire at kinakatakutang CEO "Alam mo ba kung bakit ka andito saakin?" "Your father sold you to me. So you are going to give me your body and your soul. Sayang lang at hindi pa kita mapapakinabangan sa ngayon. You will be my bed warmer. I'll wait until you fully bloom." Iyon ang mga katagang tumatak sa kanya nang makapasok siya sa buhay ni Harrem. Naging pansamantalang libangan siya nito tuwing nakakaramdam siya ng tawag ng laman. Akala niya ay doon magtatapos ang kanyang paghihirap Ngunit ano ang gagawin ni Ysabel nang malaman niyang si Harrem at ang fiancee nitong si Cassandra ang dahilan kung bakit nasawi ang kanyang pamilya? “You'll pay for what you made me into. And I will make sure that you'll end up kneeling into your knees begging for my forgiveness. Dahil patay na ang dating Ysabel na kilala niyo." Brace yourself, Harrem Lavigne because Ysabel Larraine Cielo will make you taste your own medicine. Sa gitna ng kanilang paghihiganti sa isat isa ay matutuklasan nila ang isang sekretong magkokonekta ulit sa kanilang dalawa. This time, is there any second chance para sa kanilang pagmamahalan? "Ysabel, you're an angel sent from hell to save a demon like me. I'm fucking whipped on you, baby." Mainit na bulong ni Harrem sa tenga ng namumulang si Ysabel.
Romance
10495 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE TWIN and The Chaos

THE TWIN and The Chaos

Isinilang na magkadikit. Paghihiwalayain Ng Kapalaran. Pagtatagpu-in ng Ibang kata-uhan. Saan hahantong Ang dalawang Kambal. Sa muli nilang pagkikita. Makikilala pa kaya nila ang isat isa. Paano kung Hindi na nila makilala ang isat isa at ang lalaking Nagpatibok sa puso ni Dennes ay Naging Siya rin ang dahilan ng pagbabago ni Maria. Ang Dating Maria Gonsales Ay mapapalitan Bilang Eloisa Chin. At si Mayra naman ay mabubuhay sa kata-uhan ni Luisa Chua! Muling magtatagpo ang landas ng Kambal at sa iisang lalaki lang sila iibig! Sino kina Eloisa Chin At Luisa Chua Ang Magpaparaya para sa kanilang kaligayahan. "Paano kung iisang babae lang ang mahal na mahal ni Dennis Duatin At siya ang hinahanap niya buong buhay niya!'' Magpaparaya kaya ang isa o mananatili silang magbabangayan sa pag-ibig.
Romance
10423 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10421 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2930313233
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status