The Billionaire's Karma
Rhan Jang
One night stand, ito ang tanging paraan na naisip ni Mia upang mailigtas ang nag-aagaw buhay na ina. Bagamat hindi niya nais ang bagay na ito, wala siyang magawa dahil kailangang-kailangan niya ng pera.
Makalipas ang dalawang taon, tuluyan niyang binaon sa limot ang nakasusukang gabi na iyon. Napagamot niya rin ang kanyang ina at nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, dahil hindi niya akalain na ang kapatid ng boss niya sa trabahong matagal na niyang pangarap ay walang iba kung hindi ang lalaking nakasama niya sa isang mainit na gabi.