Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
45 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Changing For You

Changing For You

Miss_Myth
Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I'M DREAMING OF YOU

I'M DREAMING OF YOU

RRA
Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secretly In-Love with my Estranged Husband

Secretly In-Love with my Estranged Husband

Nagpakasal si Julliane sa edad na dalawang pu't taong gulang dahil sa isang sirkumtansya na nangyari sa kanyang pamilya. Hindi siya gusto ng lalaki na pinakasalan niya. At sa ikalawang araw ng kanilang kasal ay pinadala siya nito sa Amerika para doon magpatuloy ng pag-aaral. Pero muli siyang nagbalik sa Pilipinas makalipas ng tatlong taon dahil malubha na ang sakit ng kanyang ina. At may isa pa siyang gustong gawin, ito ay ang pirmahan ang annulment paper na nakahanda na agad sa unang pagkikita pa pa lang nila ng kanyang asawa. Pero nagtaka si Julliane, dahil hindi agad pinirmahan ng lalaki ang papeles, dahil dito ay naisip niya na baka may kaunting pag-asa sa kanya na sana ay matutunan rin siyang mahalin ng kanyang asawa.
Romance
9.415.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

TRIGGER WARNING: MATURED CONTENT Hanz and Yeisha divorced six months after getting married. Reason? Nahuli ni Hanz na nagtataksil sa kaniya si Yeisha. But, after seven years, muling nagkrus ang mga landas nila. At iyon ay sa mismong kasal ng babaeng nagkaroon ng puwang sa puso ni Hanz. Si Andrea Monte Bello. His ex-fiancee. Subalit, kahit anong iwas ang gawin ni Hanz, he always ended up being with Yeisha. Lalo na ng pakiusapan siya mismo ni Andrea na maging abogado nito. At ang hindi alam ni Hanz, sa pagsasama nilang muli ay marami siyang matutuklasang sekreto ni Yeisha; na gigimbal nang husto sa mundo niya. Makayanan kaya niya ang lahat ng iyon? Lalo na kung sa ikalawang pagkakataon ay muling tumibok ang puso niya para rito?
Romance
1010.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Arianne's Revenge

Arianne's Revenge

Simpleng buhay lang ang pangarap ni Arianne Arevalo. Mula sa simpleng pamilya na nangangarap na makaahon sa kahirapan na naging dahilan para iwan ni Arianne ang pinakamamahal na Palawan at lumuwas ng Cebu upang makapagtrabaho. Subalit hindi trabaho ang kaniyang natagpuan kundi isang kabaliwang tradisyon ng pamilya Del Fuego. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa? Bakit siya ang napili maging biktima? Cards is game of luck. Pero paano kung sa larong pusoy, lamang ang madaya? Sa bawat araw na muli siyang nabuhay sa ikalawang pagkakataon, walang ibang sinisigaw ang puso at isip niya.... Paghihiganti! Isang salitang itinatak na niya isip sampu ng kaluluwa niya! Hindi siya titigil hanggat di nakakamtan ang hustisya! Babawiin niya ang lahat ng dapat ay nasa kaniya. Hanggang saan aabot ang kaniyang paghihiganti?
Romance
106.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Pretending To Be a Couple

Pretending To Be a Couple

Lanie
Si Evelyn Garcia ay nagtatrabaho bilang sekretarya ng makapangyarihang self-made billionaire na si Sebastian Martinez ng dalawang taon na. But he hardly noticed her as a person—para sa kanya, siya ay parang robot na sumusunod lang sa mga utos niya, palaging nakasuot ng konserbatibong business clothes at may buhok na laging naka-tighty bun. But things changed when they were both caught in a vulnerable situation. Si Evelyn ay heartbroken nang iwan siya ng kanyang first love para sa isang babae, Samantalang si Sebastian naman ay nahihirapan na iwasan si Sophia, ang ex-girlfriend niya na ngayon ay asawa na ng kanyang client. Evelyn and Sebastian decided to help each other by pretending to be a couple, with an agreement... not to fall in love.
Romance
3.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Isang puwesto na lang ang natira sa lifeboat nang lumubog ang yate, ako ang pinili ni Hendrix Zuckerman. Nailigtas ako, pero hindi ko kasing palad si Yana Bridgeton. Hindi na niya nahintay ang ikalawang lifeboat nang malunod siya sa karagatan, tuluyan na ring nawala ang kaniyang katawan. Nagkunwari si Hendrix na wala siyang pakialam habang ipinagpapatuloy niya ang aming kasal nang naaayon sa aming plano. Sa limang taon naming pagsasama pagkatapos naming ikasal, inginudngod niya ako sa dumi habang sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Yana. At nang manghingi ako ng divorde dahil hindi ko na ito kaya pang tiisin, napagdesisyunan niyang mamatay kasama ko. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, bumalik ako sa araw kung kailan nangyari ang aksidente sa yate. Pero sa pagkakataong ito, napagdesisyunan ko na bigyan ng tiyansang mabuhay ang taong pinakamamahal niya.
Read
Idagdag sa library
Kabit Ako Ng Kabit Ako

Kabit Ako Ng Kabit Ako

"Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko." —Eve Blurb    I'm Kaytei  Aghubad, bata pa lamang ay pinangarap kong magkaroon ng buo at masayang pamilya. Katulad sa Mommy at Daddy ko. Hanggang sa mawala sila ay hindi nila iniwan ang isa 't isa. Nakilala ko si Renton, unang nobyo ko. Akala ko ay siya na ang tutupad sa pangarap ko. Ngunit nauwi sa wala ang aming pagsasama. Lumipas ang isang taon nakilala ko si Hardin. Muli akong sumugal sa pag-ibig, dahil naniniwala ako sa kasabihan na nasa ikalawang asawa ang swerti. Tama naman sila, dahil naging masaya ako sa piling niya. Tuluyan niya akong iniuwi at hindi ko aakalain ang daratnan sa bahay nila ang kambal niya na si Lordin. Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko...
Romance
10526 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
He, Who Can't Feel Pain

He, Who Can't Feel Pain

When the most competent resident doctor Sayne Ricamonte goes with her colleague in the bar and accidentally drunk a drink with Flibanserin, a type of medicine that triggers the libido of a woman, she encounters a man who save her and who happened to be their anesthesiology professor in their department, Trick Manego. Sa ikalawang pagkakataon nang pagkikita nila ay hindi niya malaman kung bakit 'di siya nito nakikilala o natatandaan man lamang. Confused and thrilled by the treatment she received from him ay hindi niya namamalayang nahuhulog na pala ang loob niya rito. Unable to defy Sayne's strong principle, wit, beauty and pride ay nahuhulog na rin ang loob ni Trick sa dalaga but --- he’s afraid because of his rare disease. When he decided to tell her the truth the past of Trick start to disturb their present and here the couple will embarks on a bold, unfathomable journey of their relationship and as doctors with strong moral rule. This a medical-romance story of Trick and Sayne. A novel that will surely keep you in-hook of the plot because of the characters strong sense of principle.
Romance
105.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status