Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Man I was Never Meant to Love

The Man I was Never Meant to Love

Lumaki si Kiara sa mundong puno ng bawal, bawal magkamali, bawal lumaban, bawal magmahal nang sarili niyang paraan. Kaya nang ipilit ng mga magulang niya ang arranged marriage niya kay Zoren, ang cold at dutiful heir, wala siyang nagawa kundi sundin ito, kahit na ramdam niyang hindi iyon ang buhay na gusto niya. Pero ang hindi nila alam ang tunay na panganib ay hindi ang lalaking papakasalan niya, kung hindi ang kapatid nito na si Noah, isang rebelde, wild, at mapusok. Lalaking parang unos na biglang pumasok sa tahimik niyang mundo. He is everything she should stay away from, a man who rides too fast, lives too freely, and kisses like sin. Pero siya lang ang nakakita sa Kiara na matagal nang nakakulong. Siya ang nagpakita ng kalayaan, saya, at pagmamahal na hindi kailanman inalok sa kaniya. Hanggang unti-unti, nahulog siya sa lalaking hinding-hindi dapat naging bahagi ng buhay niya. Pero may tinatagong lihim si Noah, isang katotohanang itinago ng pamilya nito para protektahan ang pangalan nila. A secret that proves he was never ment to be in Kiara's world... or in her heart. Kakayanin ba nilang lumaban sa ano mang unos na kanilang mararanasan? Kahit na alam nilang bawal, mali, at madaming tutol dito. He was the man she was never meant to love pero siya rin ang lalaking hindi niya kayang pakawalan.
Romance
10115 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
Mafia
102.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Bound to the CEO’s Revenge

Bound to the CEO’s Revenge

Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Romance
10168 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
123
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status