Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring My Runaway Billionaire Uncle

Desiring My Runaway Billionaire Uncle

What will happen if a runaway bride meets her runaway billionaire uncle? Suot ang wedding gown sa mismong araw ng kanilang kasal, pinili ni Islaine na iwan ang lahat pagkatapos masaksihan ang pagtataksil ng kaniyang fiancé at ang wedding coordinator nila. Sa kagustuhang takasan ang lahat, magtutungo siya sa isla kung saan matagal nang naninirahan ang Uncle Nereus niya, ang step-brother ng mommy niya na piniling talikuran ang marangyang buhay para manirahan sa isang malayo at tagong isla. Sa kaniyang pagdating sa isla, paano kung ang Uncle Nereus ay tila ibang-iba na sa dating pagkakakilala niya? Ang dating bilyonaryong sanay sa syudad, may mestizo na kutis at may matayog na posisyon sa kompanya ay isa nang mangingisdang sunog sa araw. Pero sa kabila ng ilang pagbabago, naroon pa rin ang ilang katangian niyang hinahangaan niya rito. Siya pa rin ang guwapo at maskuladong uncle na pasekreto niyang hinahangaan noon. At sa bawat sulyap, sa bawat pagkilos nito, lalong lumalalim ang pagnanais na matagal na niyang pilit inilibing. Sa ilalim ng araw at mga alon, isang bawal na damdamin ang muling nagising. Dahil minsan, mas matindi ang tukso kapag alam mong bawal.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

Shantal, The innocent turned into wild.(spy)TeenagerForbidden LoveContemporaryDramaCampusFirst-Person POV
Shantal she's simple beautiful and innocent, namumuhay siyang masaya sa hacienda de monteverde at isa mga magulang niya ang kasalukoyan nag tatatrabaho sa loob ng malawak na hacienda ng mga monteverte at kilalang mayaman hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibat ibang bansa at dito narin sila nanirahan simula ng mapadpad sila sa lugar at masasabi niyang masaya at maayos naman ang pamumuhay nila dito kasama ang mga magulang at mga kapatid niya. Sa idad niyang 18 never pa siya pumasok sa isang relasyos kasi gusto muna niya makapag tapos sa course niyang architecture kaya wala siyang time sa ibang bagay lalo na about sa lovelife o sexual b*b* siya pag dating sa bagay na yun kaya tinatawag siyang shantal the innocent. Pero pano kung isang araw dumating sa mundo niyang tahimik ang isang happy go lucky arogante pilyo bastos mata pobreng at higit sa lahat walang galang na c prince ace monteverde kaya niya kayang patutungohan ang binata at turuan ng tamang asal o mag papadala siya sa bugso ng damdamin at mauwi sa walang humpay na kaligayahan na silang dalawa lang ang nakakaalam kahit wala silang level ng binata, at tuloyan ng mag laho ang shantal na inosente. Si prince ace 25 years old happy go lucky walang derection ang buhay niya gasto dito gasto doon babae dito babae doon at ayaw din imanage ang sandamakmak na business ng mga magulang kaya sa inis at galit ng mga ito tinapon siya sa hacienda de monteverde ng matoto siya sa buhay hindi yung mag lustay lang ng kayaman nila. Ano kaya ang nag hihintay na kapalaran kay ace sa hacienda matatagpuan niya kaya dito ang ang magpapabago sa boa niyang pag katao at pananaw sa buhay..?
Romance
9.549.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Playdate

The Billionaire's Playdate

sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama. Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson. Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan. Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya. Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Secretary's Secret

His Secretary's Secret

Nagsimula ang lahat sa pagiging Fubu nilang dalawa hanggang sa humantong sa bawal na pagmamahalan sa apat na sulok ng office
Romance
10328 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10411 viewsOngoing
Read
Add to library
Seduce my husband CEO tagalog

Seduce my husband CEO tagalog

Maagang Nakipagasawa si lovely sa lalaking Akala niya ay mahal siya. At sa kagustuhan din Ng ama Ng binta na makasal Ang mga ito. Pero Hindi Pala niya alam na Ang taong pinakasalan niya ay may ibang mahal. Lagi siyang sinasaktan ito. At lagi niyang pinaparamdam sa kanya na Wala siyang gusto dito. Kaya iniwanan niya ito dahil na Rin sa Hindi na niya matiis Ang lahat Ng pinaggagawa ni Kiel sa dalaga. Dahil na Rin sa tulong ni Joel na isang CEO Ng golden Builders Company ay nakaalis si lovely sa puder ni Kiel. Pero sa Hindi niya inaasahan ay buntis Pala ito sa anak ni ni Kiel. Nakapahanap ito Ng magandang trabaho dahil engineering Ang kinuha nito ay nakapag apply siya sa malaking company sa ibang bansa.Pero sa pagbabalik ay gagawin niya. Ang lahat para makuha Ang atensyon Ng dating Asawa.
Romance
122.8K viewsCompleted
Read
Add to library
HIS OBSESSION: The Taste of True Love

HIS OBSESSION: The Taste of True Love

"You're mine at mananatili ka sa piling ko hanga't gusto ko!" madiin at may halong pagbabanta na bigkas ng lalaking kaharap ni Precious Amber Rodriguez. HIndi niya akalain na sa simpleng pagtakas niya sa kasal sa lalaking itinalaga ng sarili niyang ama ay mapupunta siya sa kamay ni Lucian Montefalco Ferrero. Ang lalaking pinagbentahan niya ng kanyang virginity. Ang lalaking kailan niya lang nalaman na tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend. Kakayanin niya kayang makisama sa isang lalaking umpisa pa lang, alam niyang katawan lang ang habol sa kanya or pikit mata siyang mananatili sa tabi nito alang-alang sa may sakit niyang Ina?
Romance
1086.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status