Lahat ng Kabanata ng Maid For You : Kabanata 1 - Kabanata 10

128 Kabanata

PROLOGUE

PROLOGUE   Alas singko pa lang ng umaga, mulat na ang mga mata ni Estrella. Kumikilos na rin ang katawan niya upang maghanda ng umagahan na para sa nag iisa niyang amo sa mansion kung saan siya naninilbihan ngayon.  " Este, ipagtimpla mo na si sir ng black coffee. Iyon ang hinahanap niya agad kapag naupo na siya sa mesa, " sambit ng isa niyang kasamahan sa kusina habang inuunaban ang sinaing na nakatalaga sa kaniya. " Huwag mong lalagyan ng asukal ha? Gusto niya iyong puro lang. "  " O-okay sige, ako na ang bahala. " Mabilis naman siyang kumilos upang gawin ang sinabi sakaniya. Hindi niya maiwasang mag taka dahil ni minsan, hindi pa siya nakakakilala ng taong umiinom ng kapeng walang asukal. Iniisip niya pa lang ang lasa, napapangiwi na siya.  Isang buwan na ang nakalipas magmula noong lumuwas siya patungo dito sa
Magbasa pa

CHAPTER 01

CHAPTER 01 Halos malula si Estrella sa mga naglalakihang gusali sa harapan niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bagong silang na sanggol na walang alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid, sapagkat sa dalawamput limang taong nabubuhay siya sa mundong ibabaw, ito ang unang pagkakataon na makarating siya sa isang malaki at magarang siyudad. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lumuwas siya mag-isa at tanging isang mapa lang ang gumagabay sa destinasyong tatahakin niya. " Excuse me, nakaharang ka sa daan. " Napalingon si Estrella sa likuran nang marinig ang isang boses. Agad siyang gumawi sa gilid at humingi agad ng pasensya. Binalik niya ang tingin sa paligid at wala pa ring pumapasok sa isip niya kung anong unang gagawin matapos niyang makarating sa dito sa siyudad. Umalis siya sa probinsya para makipagsapalaran dito subalit wala siyang konkretong plano kung paano magsisimula sa paghahanap ng trabaho. Kailangan niya ng pera para matulungan ang kaniyang lolo na nasa ospital at nag
Magbasa pa

CHAPTER 02

CHAPTER 02 Isang magandang umaga ang sumalubong kay Estrella pagkagising niya dahil naging mahimbing ang pagtulog kagabi. Bukod pa doon, mayroon na siyang nahanap na maayos na trabaho na bawas sa iisipin niya at naging maganda rin ang pakikitungo sakaniya ng mga kasama. Sa isang kwarto, apat silang magkakasama ngunit may mga sariling kama. Pinaliwanag na rin sakaniya ang mga alituntunin sa mansion na siyang kinabisado niya bago matulog kagabi. Hindi siya gaanong marunong magbasa subalit sa pagdating sa pagkakabisa, maasahan siya. " Este, sunod ka na sa labas mamaya ha? Start na tayo, " sabi ni Anna, ang kasambahay na una niyang nakapalagayan ng loob dahil halos pareho sila ng rason kung bakit sila narito sa siyudad ngayon. " Oo sige, susunod na ako. Ayusin ko lang 'to, " ani Estrella habang tinatali ang kaniyang mahaba at bagsak na buhok. Suot na niya ang uniporme at habang nakaharap sa salamin, hindi niya maiwasang pagmasdan nang maagi ang sariling repleksyon. Ngayon lang niya napa
Magbasa pa

CHAPTER 03

CHAPTER 03 " Paano ako nakakasigurong tutupad kayo sa usapan? " tanong ni Sebastian sa kaniyang Lolo Pio na lalong lumaki ang ngiti sa labi sa naging sagot niya. " Malalaman mo kapag kinasal na kayo, " tugon ni Lolo Pio saka naglakad pabalik sa upuan ng kaniyang apo. " Sebastian, may isang salita ang lolo. Kailan man ay hindi ko nagagawang hindi tumupad sa usapan. " Hindi kumibo si Sebastian at nanatili ang mga tingin sa marriage contract na hawak ng kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya dahil wala pa mang isang linggo ang kasambahay na ito sa kaniya, nakagawa na ito agad ng isang malaking pagkakamali na pati siya ay nadamay. " Hindi ba talaga kayo makakapaghintay na makapag asawa ako? " hindi maiwasang itanong ni Sebastian dahil halos araw-araw, palaging pinapaalala sakaniya ang pagkakaroon ng kasintahan at pag aasawa. Noon ay hindi naman niya ito pinapansin dahil alam niyang titigil din ang lolo Pio niya sa ginagawa nito pero nagkamali siya dahil umabot na sa pun
Magbasa pa

CHAPTER 04

CHAPTER 04 " Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella. " Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. " " Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. " " Bakit naman? " " Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang baha
Magbasa pa

CHAPTER 05

CHAPTER 05 Naging matagumpay ang seremonya ng kasal sa kabila ng kalituhang nangyari sa dalawang simbahan na halos magkatabi lang. Narito na ang lahat sa wedding reception subalit ang kahihiyan na nararamdaman ni Estrella na mula pa kanina ay hindi mawala-wala sakaniya. " Hindi magandang pinaglalaruan ang pagkain, " nabalik si Estrella sa katinuan nang marinig ang boses ni Sebastian. " S-sorry, " agad na binitawan ni Estrella ang kubyertos at hindi maiwasang ikumpara ang pinggan niya sa pinggan ni Sebastian. Simot na simot ito na para bang isang malaking kasalanan na may matirang katiting na pagkain dito. Inangat ni Estrella ang tingin sa kabuuan ng wedding reception. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito karami ang mga bisitang dadalo sa kasal gayong sa side lang ni Sebastian ang mga taong narito ngayon. Wala ang kaniyang lolo at lola dito dahil nakiusap siyang huwag munang ipaalam sa mga ito ang pinasok niyang gulo. Ayaw niya munang iparating ang nangyari da
Magbasa pa

CHAPTER 06

CHAPTER 06 Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Sebastian sa silid nito upang maghapunan. Walang ideya si Estrella kung tapos na ba ang online meeting na dinaluhan nito o hindi pa dahil nahihiya siyang kumatok sa pinto baka makaabala. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang hintayin na lang itong lumabas bago galawin ang mga pagkain na nasa kaniyang harapan. " Nagugutom na 'ko..." buntong hiningang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga putahe sa mesa. Sa katunayan, kanina pa niya gustong galawin ito subalit pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang hintayin ang kasama niyang maupo sa kabilang silya para sila'y sabay na kumain ng hapunan. Hindi niya gustong maunang sumubo dahil wala naman siyang ginastos sa mga pagkain dito, hiya ang umiiral sa kaniya kung kaya naman kahit kumakalam na ang sikmura niya, tiis lang ang kaniyang magagawa. Kinuha ni Estrella ang pitsel na may lamang tubig para muling magsalin sa kaniyang baso at ito'y inumin. Halo
Magbasa pa

CHAPTER 07

CHAPTER 07 Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Estrella ang habang nakatingin sa dalawang magkasintahan na gumagawa ng eksena sa gitna. Nakaluhod ang binata sa harap ng dalaga na nagsisimulang tumulo ang luha nang isuot sa daliri nito ang singsing na siyang katibayan sa nalalapit nilang pag-iisa. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa naging resulta ng supresa ng binata sa kasintahan niya habang mayroon namang umiiyak na magulang dahil sa sobrang tuwa. " Ang galing... " komento ni Estrella na nakikipalakpak na rin kasama ang mga estranghero sa paligid niya. Ngayon lamang siya nakasaksi ng marriage proposal at hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi habang pinanonood ang nangyayari sa gitna. " Salamat po sa lahat! Maraming salamat po sa tulong niyo! " halos mapunit naman ang labi ng binata habang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa supresang ito at kasama doon si Estrella na may hawak na light stick na dagdag sa palamuting nakapalibot sa magkasintahan. Masaya nam
Magbasa pa

CHAPTER 08

CHAPTER 08 Isang linggo na ang nakalipas at nakabalik na rin sila sa mansion sa wakas. Balik sa dati ang lahat kung saan, balik na rin sa pagiging abala si Sebastian sa kumpanya na kaniyang pinamumunuan. " Good morning sir Martinez! " ang bati ng bawat empleyadong nasasalubong ni Sebastian sa lobby. Lahat ay may mga matatamis na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila ba kumikinang habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung bakit ganito ang salubong sakaniya ng mga tao sa opisina gayong mayroon pa silang problema kinahaharap ngayon. " Ako lang ba o talagang good mood lang sila? " tanong ni Sebastian sa kaniyang sekretarya nang makapasok sila sa elevator. " Good mood lang po sila Sir. " Nakangiting tugon nito bago pindutin ang numero sa gilid para sila'y dalhin sa palapag kung saan naroroon ang opisina nito. Ilang segundo bago bumukas ang pinto ng elevator, isang putok ng confetti ang bumulaga sa kanila. " Congratulation on your wedding sir Martinez! " Sabay-sabay na bati
Magbasa pa

CHAPTER 09

CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status