Matapos ng tanghalian ay sinundan ko si Kaoree kasama ang kaibigan niya. Tanaw ko si Wanwan kasama ang isa pang kaibigang lalaki. Nakatayo sila sa gate at nagtatawanan.
Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
Adam
Ayos na si Cooper. Masigla na siya ulit.
Si Adam ang ka-team ko sa aming varsity team. Ang tatay niya ang vet ng aso ko. Nagkaparvo ang alaga ko kaya dinala agad ko siya roon para ipagamot at do'n iniwan.
Malapit lang bahay nila rito. Dalawang kanto simula rito sa posteng pinagtataguan ko.
Nang makarating ako roon ay kumakawag sa tuwa ang buntot ng alaga ko. "Magaling ka na?" Tanong ko sa kanya at tinalunan ako nito.
"I-disinfect at sanitize mo lang ang kulungan niya para mawala ang virus." Bilin ni Adam. Tumango lang ako.
"Baka gusto mong magmeryenda muna." Tinignan ko ang oras. Sumunod ako sa loob at nag-order siya ng pizza.
Nagkwentuhan kami tungkol sa academics, business at sports. Nabanggit niya ang tungkol kay Rosella—kilala niya ang babaeng iyon dahil naging mag