Puno ng pag-aalala at hindi siya mapakali habang hinihintay ang Doctor sa hospital kung saan nila dinala si Arie. Mahigit kalahating oras na ang lumipas mula ng pumasok ang kapatid sa emergency room.
Umupo siya sa naroroong bench, Adrian sit beside her too. Samantalang si Jake Frederick ay tila wala sa sariling nakasandig doon sa may pader. Ni hindi pa ito nakakabihis, may mga bahid pa rin ng dugo ang t-shirt nito at pantalon. Dugo ni Arie.
"Ano yung sinabi ni Arie kanina Fred?" basag niya sa katahimikan sa pagitan nila. "Totoo ba iyon?"
Umangat ang tingin nito sa direksyon niya saka sunod-sunod na umiling.
"No.." mahinang sabi nito. "God knows it's not true Jade! Parehas namin ginusto ang nangyaring iyon sa amin!"
"Then why did she claimed that you raped her?"
Mariin itong napapikit saka umiling muli. "I don't know.. simula ng magising kami na magkatabi sa kama ay iyon na ang ibinintang niya sa akin