"Nagising na po ang pasyente."
Isang nurse ang lumapit sa kanila at ibinalita na nagising na si Arie. Sinabi rin nito kung saang kwarto nailipat ang kapatid.
Ilang oras rin silang nanatili doon bago narinig ang balitang iyon.
Tumayo siya mula sa bench, samantalang si Fred ay nagmamadali ng inihakbang ang mga paa at nauna na papunta sa kinaroroonan ni Arie.
Nakasunod dito ang kuya Darwin niya.She followed them, nakasunod din si Adrian sa likod niya.
"What are you doing here?"
Hindi pa man siya nakakapasok ay narinig na niya ang matalim nitong boses. It was directed maybe for Fred. Dahil hindi pa naman sila nito nakita.
Kitang-kita niya ang lalo pang pagtalim ng namumulang mga mata nito ng tuluyan siyang makita.
"Umalis ka rito!" Agad nitong sigaw. "Hindi kita kailangan rito! Kuya paalisin mo siya!" baling nito sa
Matapos ang nakakapugtong hiningang halik na iyon ay mahigpit siya nitong dinala sa mga bisig nito saka mahigpit na niyakap. He hug her tight na para bang ibinuhos nito sa yakap na iyon ang lahat ng pangungulilang naramdaman nito sa nakaraang buwan. "Mahal na mahal kita Jade," anas nito. "Sobrang mahal kita." Mariin siyang napapikit saka tuluyan na ring pinalaya ang kanyang nararamdaman, she hug her too. Mas mahigpit pa. Hindi pala ang mapag-isa ang magbibigay sa kanya ng katahimikan, hindi rin ang paglayo. Sapat na pala ang makulong sa mga bisig nito para makaramdam siya ng kapayapaan. Nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha at ilang sandali lang ay tuluyan na siyang napaiyak. "Shh.. hush now sweetheart, magiging maayos din ang lahat." "I am not crying because of what happened, I am crying because finally, I'm in your arms again," an
Agad na pinagbigyan ni Adrian ang pakiusap niya na tila ba iyon lang din ang hinihintay nito. Sa malamlam na mga mata ay dahan-dahan nitong ibinaba ang mukha sa kanya at isang marahan na halik ang iginawad nito sa naghihintay niyang mga labi.Naramdaman niya na pinalandas nito ang isa nitong kamay papunta sa likod ng kanyang leeg para mas lalo pang mapa-anggulo ang kanyang ulo.Mariin siyang napapikit saka ini-angat din ang kanyang magkabilang kamay sa leeg nito, she need to do that, kailangan niya ng makakapitan dahil kung hindi ay baka mabuwal siya.Ramdam niya ang unti-unting paglambot ng kanyang mga tuhod sa sensasyong biglang sumalakay sa kanyang katawan. She miss his kisses so much, she miss his touch, she miss him, really.. really miss him."Are you sure about it Jade?"Nagawa pa nitong itanong iyon ng sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi. Bagama't kitang-kita niya ang kagustuhan nito na ma
She was lying flatly on the bed, taas-baba pa rin ang dib-dib sa paghinga matapos ang napaka-intensidad nilang pagniniig ni Adrian. She was staring at the ceiling na tila wala sa sarili.Mariin siyang napapikit, it feels that she was still in the dreamland."I want us to get married tomorrow," Narinig niyang mahinang sambit nito."Huh?" kumunot ang kanyang noo. Tama ba ang narinig niya? O parte lang iyon ng kanyang panaginip?Tomorrow?Naramdaman niya ang biglang pagtagilid ng higa ni Adrian saka tiim siyang tinitigan. Agad na rumehistro sa mga mata nito ang takot at pagkabahala."Y..you already said that you will Jade, pumayag ka na, nagbago ba ang isip mo?" He asked, obviously scared. "Ang pagpayag mo bang iyon ay dahil lamang sa, nasa kalagitnaan tayo ng--""Of course not," agap niya. "Nang pumayag ako ka
--ADRIAN--Isang masuyong ngiti ang namutawi sa labi niya habang minamasdan si Jade na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.Hindi pa rin siya makapaniwalang nagising siya na naroroon ito sa tabi niya. Natatakot ng siya na baka panaginip lang ang lahat.Ini-angat niya ang kanyang kanang kamay at inihawi ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa pisngi nito at nang maramdaman niya ang init niyon, doon pa lang siya tuluyang naniwala na totoo ang lahat at hindi isang panaginip.Lumamlam ang kanyang mga mata. Kung alam lang nito kung anong klaseng kalungkutan at hirap ang dinanas niya nitong nakaraang buwan dahil sa nangyari. He was shattered into tiny pieces. Living thinking that she was no longer his feels like he was drowning in a deep water with no way out. Araw-araw pakiramdam niya unti-unti siyang namamatay. He was in hell. At hindi na niya gustong maranasan ulit iyon. Hindi na niya gustong maramdaman
She saw how nanay Cely's eyes widened a fraction ng makita nitong sabay silang bumaba sa raptor ni Adrian. Nakita agad sila nito dahil hindi naman kataasan ang pader at nasa bandang gate ito at nagdidilig ng halaman ng dumating sila.She walked towards the gate and open it.Agad dumako ang nagtatanong nitong mga tingin sa kanya pagkunwa'y kay Adrian na kasunod din niyang pumasok."Mano po 'nay," agad niyang inabot ang kamay nito ng makalapit. Tinanggap naman nito iyon."Kaawaan ka ng Diyos." sabi nito."Magandang araw po 'nay Cely," Adrian greeted courteously. "Kumusta po kayo?"She darted her eyes on him. "Mabuti naman." kimi itong ngumiti. "Hindi ko inaasahan na darating kayo, nakapag-almusal na ba kayo?"Tanong nito, pinuntahan nito ang gripo at pinatay iyon saka hinablot ang tuwalyang nasa balikat nito at nagpunas ng kamay."Tapos na po 'nay." Si Adrian. "May sasabihin po sana kami sa inyo, kaya kami nan
"By the power vested in me, I am now pronounce you husband and wife"Namuo ang kanyang mga luha ng marinig ang sinabing iyon ng judge na nagkasal sa kanilang dalawa ni Adrian. Hanggang sa mga sandaling iyon ay lutang pa rin siya, hindi pa rin makapaniwalang mag-asawa na sila ngayon ng lalake, na asawa na niya ito.Matapos ang mga nangyari sa pagitan nila, akala niya imposible nang magkaroon ng katuparan ang mga pangarap niya, ang pangarap niyang bumuo ng pamilya na kasama ito at si Zach, ang pangarap niyang makasama ito habang buhay.She thought that it was already impossible pero heto sila at idiniklara nang mag-asawa ng huwes hindi man sa harap ng Diyos pero sa mata ng batas ay mag-asawa na sila ngayon.Pagkatapos ng lahat ng ito, alam niyang tutuparin rin ni Adrian ang pangako nitong magpapakasal rin sila sa simbahan. "You may now kiss your bride." Dugtong pa ng kaharap habang kay lapad ng ngiti nit
Mariin siyang napalunok ng buksan niya ang pinto at tumambad sa kanyang mga mata ang kwartong iyon. Ang kwarto kung saan nagsimula ang lahat, ang kwarto na nagpabago sa kanyang buhay.Humakbang siya papasok pero napatigil rin ng masilayan niya ang loob niyon. Iba na ang kulay ng pintura at ang posisyon ng kama at mga muebles. Nagbago na ang lahat. Wala na ni katiting na bakas ng limang taong lumipas. Pero habang minamasdan niya ang loob ay muling nagsariwa sa kanyang utak ang mga ala-ala na tila kahapon lang nangyari.Ang paggising niya at makitang may estrangherong lalake sa kanyang tabi, ang pagkagimbal sa kanyang mukha ng mapagkamalan siya nitong isang babaeng bayaran, at ang luhaan niyang mukha habang tila gulong-gulo at hindi alam kung anong gagawin.Malinaw na malinaw niya iyon nakikita, pero sa pagkakataong iyon wala na ang bakas ng galit o pagkamuhi. All was in her is acceptance and forgiveness.
Malalim siyang napabuntong-hininga habang papasok sa loob ng pribadong ospital na iyon kung saan naka-confine si Arie.Muling na-confine.Kahapon ng umaga ay lumabas na ito ng ospital pero muli daw itong dinala doon kagabi matapos na ma-overdose sa gamot. Nadatnan na lang daw ito ng kanyang Papa at ina-inahan na walang malay na nakahandusay sa bathtub ng hotel room nito.Iyon ang sinabi ng kanyang Papa ng magka-usap sila kanina. Hindi pa malinaw ang lahat dahil hindi naman sila nagtagal na nag-usap sa cellphone, but one thing for sure, she tried to kill herself!Kaya nang oras din iyon mismo ay nagdesisyon sila ni Adrian na bumalik.Malayo pa lang ay kita na niya ang madrasta na nakaupo sa labas ng bench. She was alone. Wala doon ang kanyang Papa o ang kuya Darwin niya. Nakayuko ito at tila wala sa sarili.Kung alam na nito at ng Papa niya ang ginawa ni Arie ay hindi niya alam.Nang maramdaman marahil nito an