"By the power vested in me, I am now pronounce you husband and wife"
Namuo ang kanyang mga luha ng marinig ang sinabing iyon ng judge na nagkasal sa kanilang dalawa ni Adrian. Hanggang sa mga sandaling iyon ay lutang pa rin siya, hindi pa rin makapaniwalang mag-asawa na sila ngayon ng lalake, na asawa na niya ito.
Matapos ang mga nangyari sa pagitan nila, akala niya imposible nang magkaroon ng katuparan ang mga pangarap niya, ang pangarap niyang bumuo ng pamilya na kasama ito at si Zach, ang pangarap niyang makasama ito habang buhay.
She thought that it was already impossible pero heto sila at idiniklara nang mag-asawa ng huwes hindi man sa harap ng Diyos pero sa mata ng batas ay mag-asawa na sila ngayon.
Pagkatapos ng lahat ng ito, alam niyang tutuparin rin ni Adrian ang pangako nitong magpapakasal rin sila sa simbahan.
"You may now kiss your bride." Dugtong pa ng kaharap habang kay lapad ng ngiti nit