Malalim siyang napabuntong-hininga habang papasok sa loob ng pribadong ospital na iyon kung saan naka-confine si Arie.
Muling na-confine.
Kahapon ng umaga ay lumabas na ito ng ospital pero muli daw itong dinala doon kagabi matapos na ma-overdose sa gamot. Nadatnan na lang daw ito ng kanyang Papa at ina-inahan na walang malay na nakahandusay sa bathtub ng hotel room nito.
Iyon ang sinabi ng kanyang Papa ng magka-usap sila kanina. Hindi pa malinaw ang lahat dahil hindi naman sila nagtagal na nag-usap sa cellphone, but one thing for sure, she tried to kill herself!
Kaya nang oras din iyon mismo ay nagdesisyon sila ni Adrian na bumalik.
Malayo pa lang ay kita na niya ang madrasta na nakaupo sa labas ng bench. She was alone. Wala doon ang kanyang Papa o ang kuya Darwin niya. Nakayuko ito at tila wala sa sarili.
Kung alam na nito at ng Papa niya ang ginawa ni Arie ay hindi niya alam.
Nang maramdaman marahil nito an