CYNTHIA and DARWIN
Padabog na isinarado ni Cynthia ang pinto ng hotel room na iyon habang buhat-buhat ang makapal na comforter na ipapalit niya sa kama.
Hindi maipinta ang kanyang mukha. Pinalitan niya ang bedsheet bago pa may omukupa sa kwartong iyon. At ika tatlong araw pa lang ngayon ay nag request na naman ang hinayupak na iyon na palitan ang bedsheet ng comforter.
That perverted bastard is getting into her nerves! Walang katapusan ang request at reklamo nito at nabu-bwisit na talaga siya!
Gigil na gigil siya habang inaayos ang kama. Hindi siya naniniwalang makati iyon gaya ng reklamo nito. Sadya lang pinaglalaruan siya nito.
Matapos na ayusin ang kama ay naghanda siya para ang banyo naman ang linisin. Nasa kalagitnaan siya ng matigilan. Biglang pumasok sa isip kung paano sila nagpang-abot ng lalakeng iyon. Kung ano ang pinagmulan kun