“TINAPAT na ako ng doktor," basag ng ama ni Kayden sa namamayaning katahimikan sa pagitan nila sa harap ng mahabang dining table. Lahat sila ay napatingin dito. “The family doctor stated that Mama wouldn’t last long,” pagpapatuloy nito. “She was too weak and could barely move in her bed.” Malungkot nitong tinitigan si Kayden. “It will sadden her if you don't introduce her to your wife personally even in these moments.” Tapos ay tiningnan nito si Raven.
Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kaniya kaya dinala niya sa kinauupuan nito ang kaniyang tingin.
Sa kabisera ito nakaupo habang nasa kanan nito ang asawa na si Amanda, katabi si Athena. Nasa kaliwa nito si Kayden at magkatabi sila, habang nasa tabi naman niya si Kayne. Sa paligid ay naroon nakabantay ang dalawa sa mga housemaids na nakatalaga sa komedor.
Naramdaman niya ang pagtingin ng lahat sa kaniya maliban kay Kayne na abala sa pagkain.
Tiningnan niya si Kayden sa kaniyang tabi.
“Pagkatapos ng hapunan ay dadalhin ko an