GUMALAW ang talukap ng mga mata ni Raven hanggang sa tuluyan niya iyong buksan.
Kakaiba ang kisame na sumalubong sa paningin niya kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng malawak na silid.
She was there alone on the wider bed in the middle of that luxurious bedroom. Everywhere she took her gaze there was nothing her eyes could see but flashy.
The interior design of this room was manly, naaamoy rin niya sa hangin na hinahatid ng air conditioner sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng pabango so she instantly had an idea of where she was. Naroon siya sa bedroom suite ni Kayden.
Napatingin siya sa glass-wall window at doon ay nakita niya ang madilim nang kalangitan, gabi na.
Kumilos siya at umibis sa kama.
Namimigat ang puson niya kaya hinanap niya ang pintuan ng bathroom doon.
Maraming pintuan sa silid na iyon pero hindi siya nahirapang hanapin kung alin sa mga iyon ang kaniyang hinahanap.
Bumulaga sa paningin niya ang mala-five star hotel na bathroom. Malawak iyon, mayroong maluwang na walk-in shower kung saan ay kanugnog ang malaking bathtub na nasa tabi ng malaking glass window na ang nagsisilbing kurtina ay ang mga nakalungyong kulay berde na hanging plant.
Sa countertop sink na naroon ay may mga live indoor plants din na nakahanay na mas nagbigay ng elegant looks sa light themed bathroom na ito.
Pumasok siya at tinungo ang kinaroroonan ng makintab na toilet bowl.
Naupo siya roon at inilabas ang lahat ng kailangan niyang ilabas buhat sa kaniyang puson.
Kumuha siya ng wet wipes na naroon lamang sa tabi noon at ginamit iyon sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan.
Nang tumayo siya ay kusang nag-flush ang toilet bowl.
Matapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na siya roon upang puntahan si Kayne kung saang silid ito naroon.
Bahagya siyang natigilan nang makalabas sa bedroom suite ni Kayden.
Napalinga siya sa magkabilang dulo ng hallway. Parang gusto niyang isipin na nasa royal palace siya.
Napaka-artistic ng hallway wall décor at masarap sa mga mata ang liwanag doon.
Napabuntong hininga siya habang iniisip kung saang silid kaya naroon si Kayne.
Nakakaisang hakbang pa lamang siya palayo sa pintuan ng silid nila ni Kayden nang maagaw ang pansin niya ng bumukas na pintuan sa tapat ng silid kung saan siya galing.
Napahinto siya sa paghakbang at napatingin sa magandang babaeng lumabas doon.
Sino naman kaya ito?
Gaya niya ay natigilan din ang ito nang makita siya ngunit hindi gaya niya ay hinagod siya nito ng tingin, ang kabuuan niya.
Napalunok siya.
“Ikaw si Raven?” tanong nito sa kaniya.
Malayo ang pagitan nila kaya medyo tinaasan nito ang boses upang marinig niya ito.
Tumango lang siya bilang tugon.
Napatango rin ito. “Ako si Athena,” pakilala nito sa sarili habang lumalakad palapit sa kaniya. “Bunsong kapatid ni Kayden.” Inilahad nito ang palad sa harap niya.
‘Kapatid ni Kayden?’ tanong niya sa isip.
Hindi niya alam na may kapatid pa pala si Kayden.
Bukod kay Athena at sa Lola nito, ano pa kayang hindi niya alam tungkol sa kaniyang asawa?
Napapaisip man ay agad siyang ngumiti at tinanggap ang palad ni Athena.
“You are prettier than I thought, kaya naman pala ganoon na lamang mabaliw sa’yo ang kapatid ko.” Napapailing ito habang nakangiti at nakatitig sa mukha niya.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin matapos marinig ang sinabi nito, kaya naman ngumiti na lamang siya.
Kusang naghiwalay ang mga palad nila.
“All right, magkita na lang tayo sa komedor for dinner.” Itinuro nito ng hinlalaki ang direksyon sa dulo ng hallway kung saan naroon ang malawak at paikot na hagdanan.
Tumango siya. “Sige.”
Napasunod siya ng tingin dito nang tumalikod ito sa kaniya at tinugpa ang koridor patungo sa hagdanan.
Nang mawala ito sa paningin niya ay malalim ang naging buntong hininga niya.
Napapaisip siya.
She has been next to her husband in bed for ten years but Kayden doesn’t even mention things about his family then he says that he loves her?
Kilala niya ang ama ni Kayden dahil isa itong business tycoon, pero bukod sa wala naman siya sa linya ng business dahil isa siyang doktor, hindi siya interesado para halukayin ang pagkatao ni Karl Alcaraz noon, pero kahit siguro mayroon siyang pagkakataon, hindi rin magiging madali na halukayin ang personal na buhay nito sapagkat kahit naman kilala ito sa mundo ng business ay nananatiling pribado ang personal nitong buhay, kaya nga hindi niya alam na anak pala nito si Kayden.
Marahas siyang napabuntong hininga bago luminga sa kabilang bahagi ng koridor habang iniisip pa rin niya kung saang silid kaya naroon si Kayne.
Sa pagtingin niya sa kabilang dulo ay nakita niya ang isang unipormadong kasambahay, kalalabas lamang nito sa isa sa mga pintuan na naroon, kahilira ng pintuang nilabasan ni Athena.
Lumakad siya at sinalubong ito.
“Hello po, Ma’am!” magiliw ang ngiting bati nito sa kaniya at hindi pa napigil na mapahagud sa kaniya ng tingin.
“Hello po!” ganting bati niya rito.
Medyo may edad na ito kaya gumamit siya ng paggalang dito.
“Ang ganda mo pala talaga, Ma’am, bagay na bagay ka po sa kagwapuhan ni Sir Kayden! Napakasuwerte n’yo po sa isa’t isa!” Bakas ang kilig at paghanga sa anyo at tinig nito habang hinahagod siya ng tingin.
Sinikap niyang ngumiti kahit pa nga tutol ang kalooban niya sa mga sinabi nito.
“Salamat po!” mahinang sabi lang niya rito.
“Mabait po iyang si Sir Kayden, Ma’am. Kaya hindi ka po nagkamali na pakasalan siya,” sabi pa nito na nagpasamid sa kaniya.
Tumikhim siya upang palisin ang bikig sa kaniyang lalamunan.
“Itatanong ko lang po kung nakita n’yo po ba kung saang kuwarto naroon ang anak ko, si Kayne po.” Inilihis niya sa usapan.
“Ah, opo, roon po.” Itinuro nito ang dulong bahagi ng pasilyo. “Iyon pong nasa kaliwang bahagi po ng pasilyo sa tapat ng master bedroom suite nila Sir Karl, doon po ang silid ni Sir Kayne.”
“Sige po, salamat,” wika niya at agad na itong iniwan upang hindi na makapagsalita pa.
Nakangiti itong napasunod sa kaniya ng tingin habang hinahagud siya ng tingin sa seksi niyang likuran.
Nagpatuloy siya sa mahinhing paglakad hanggang sa sapitin niya ang pintuang itinuro sa kaniya ng kasambahay.
Kaagad niyang pinihit ang siradura ng pintuan at marahang itinulak pabukas ang dahon noon para lamang matigilan.
Sumalubong kaagad sa pandinig niya ang malulutong na halakhak nila Kayne at Kayden.
Napakasaya ng mga ito.
“Anak talaga kita,” boses iyon ni Kayden sa pagitan ng pagtawa.
Kumilos siya at dahan-dahang sinilip ang mga ito sa loob.
At doon sa kama ay nakita niyang magkatabing nakaupo pasandal sa headboard ang dalawa at nakaakbay si Kayden kay Kayne.
Nasa harap ng mga ito ang laptop ng bata.
Nakita niya sa mga mata ni Kayne ang tuwa sa mga sandaling iyan, at hindi matatawaran ang tuwang iyon.
Parang gusto niyang manibugho, hindi pa niya narinig tumawa ng ganito ang anak na siya ang kasama.
Sumeryoso ang mga ito pagkaraan.
“Gusto mo bang sa susunod na school year ay dito na mag-aral? Para maranasan mo namang mag-aral sa loob ng eskuwelahan at hindi puro online lang. Saka matagal na iyong iniu-ungot ng Lolo mo,” kapagkuwan ay sabi ni Kayden dito.
“Yes, Dad, but what about Mom? Will she stay alone on the island while I study here? I’m worried for her because she’s sure to be sad when I’m not around!” malungkot lahat kay Kayne nang sabihin iyan.
Ngumiti ng manipis si Kayden at ginulo ang itim at makapal na buhok ni Kayne.
“That’s my good boy! I’m so pleased that you will always remember your Mom as I have always taught you. But, dude, you have nothing to worry about, because when you’re studying here, Daddy will be there more often.”
Nasapo niya ang dibdib matapos marinig ang sinabi ni Kayden.
Hindi, hindi nito dapat na makumbinsi si Kayne na pumayag sa panibago nitong plano. Ayaw niyang masolo siya ni Kayden sa Isla Alcaraz.
Maki-ama si Kayne, at madalas itong tumabi sa kanila sa pagtulog sa gabi kahit malaki na ito kaya naman kapag ganoong pagkakataon ay nakakaligtas siya kay Kayden, sa sexual needs nito.
Sa edad ni Kayden na trenta y otso ay masyado itong magana pagdating sa bagay na iyon.
“Pero mamimiss kita!” narinig niyang sabi ng bata.
“Mas mamimiss kita, dude!” Pinisil ito ni Kayden sa ilong.
Nagkatawanan ang dalawa.
Yumakap si Kayne kay Kayden at ginantihan ito ng huli ng yakap.
“Dad, gutom na ako. I think we need to go downstairs for dinner,” si Kayne.
“Ohw!” Sumulyap si Kayden sa wristwatch nito. “It’s bang on seven, I think we’d really go downstairs for dinner,” malambing pa nitong sabi kay Kayne habang nakangiti.
“I love you, Daddy!”
“Me too, dude. I love you too more than I know!” Hinalikan ito ni Kayden sa ulo.
She smiled thinly and wryly before stepping back and carefully turning the door closed.
A few grains of tears fell down in her eyes.
Kayden was a good father to Kayne, she didn’t even admit or accept that to herself but that was the truth. Kaya naman napakalapit ni Kayne sa ama, bagay na ayaw sana niyang mangyari pero hindi niya mapigilan dahil wala siyang mahabang oras na makasama ang anak ng sarilinan.
Malaki ang mga hakbang niya pabalik sa silid nila ni Kayden.
Saglit siyang natigilan nang makitang masasalubong niya si Shanna sa hallway.
Napalunok siya bago nagpatuloy sa paglakad.
“Raven. . .” boses iyon ni Kayden buhat sa kaniyang likuran.
Napahinto siya sa paglakad bago dahan-dahang pumihit paharap sa kinaroroonan nito.
Kaagad na nagtama ang mga paningin nila.
Nakita niya nang bumaba ang tingin ni Kayden at pinasadahan siyang hagurin ng tingin bago lumampas sa kaniyang likuran ang paningin nito.
“Shanna, pakisamahan si Kayne papunta sa komedor.” Utos nito.
“Yes, Boss,” wika ng inutusan na sinabayan ng paghakbang palapit kay Kayne na noon ay akbay ni Kayden at tahimik na nakamasid sa kanila.
“Mauna ka na sa komedor, anak. Kausapin ko lang sandali si Mommy, hah?” wika ni Kayden dito.
Tumango si Kayne. “Yes, Daddy.”
Nang makalayo ang dalawa ay nilapitan siya ni Kayden.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” mahinahong tanong nito sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang kamay at tiningnan ang palad niya.
Pasimple niya iyong hinila palayo rito.
Ibinaba nito ang tingin sa kaniyang kamay bago muling itinaas ang tingin sa mukha niya.
“Ang sabi ng doktor, masyado ka raw napagod kaya nag-pass out ka kanina.”
Tinitigan ng malalamig niyang mga mata ang artwork na nakasabit sa wall ng hallway upang ignorahin ang sinabi nito.
“Nakita na ni Lola si Kayne… hinahanap ka niya. Pagkatapos nating mag-hapunan ay dadalhin kita sa kaniya upang makita at makilala ka niya.” Hinawakan siya nito sa siko upang igiya patungo sa komedor pero pumiksi siya at tinangkang lumayo rito subalit hinigpitan nito ang hawak doon at patulak siyang isinandal paharap sa dingding.
Bahagya pa siyang napaigik nang mapadikdik doon ang dibdib niya at kanang pisngi.
Napaluha siya nang maramdaman ang paghigpit ng paghawak nito sa kaniya.
Napasinghap siya at napaawang ang bibig nang dakutin nito ang pagkababae niya buhat sa pagkakatalikod niya rito.
Napapikit siya nang pisilin nito iyon.
Hindi naman iyon masakit, ngunit hindi niya magustuhan ang pakiramdam na inihahatid noon sa kaniya.
“Shanna told me what you did earlier, so expect me to charge you with the guilt of your attempt…” paanas na sabi nito sa puno ng kaniyang taynga.
Napaluha siya nang maalala ang kasalanang ginawa niya nang dumaan sila sa mall kanina para gumamit ng restroom.
“Kayden...” boses iyon ng ama nito na noon ay kalalabas lamang sa pintuan ng master bedroom suite.
Kaagad siyang binitawan ni Kayden at bahagyang lumayo sa kaniya.
Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang biyenan na ng sandaling iyan ay nakatingin sa anak.
Hinintay niyang komprontahin nito si Kayden sa ginawa sa kaniya, pero nadismaya siya.
“Downstairs for dinner,” sabi nito sa kanila at lumakad, nilampasan sila na para bang wala itong nakita.
Tiningnan siya ni Kayden. "Tayo na sa komedor," wika nito at sumunod sa ama.
Napaluha siya sa sama ng loob habang sinusundan ng tingin ang mga ito.
Bakit pa nga ba siya umaasa na magri-react ang biyenan niya sa nakita? Hindi lingid sa kaalaman nito ang ginawa ni Kayden sa kaniya noon, pero imbes na ituwid nito ang anak ay kinonsente nito ito.
Oras na makatakas talaga siya, titiyakin niya na magkasamang mabubulok sa kulungan ang mga ito.
“TINAPAT na ako ng doktor.” Basag ng ama ni Kayden sa namamayaning katahimikan sa pagitan nila sa harap ng mahabang dining table. Naroon sila at sabay-sabay na kumakain ng dinner. “He said that Mama wouldn’t last very long. She was too weak and could barely move in her bed.” Malungkot nitong tinitigan si Kayden. “She’ll be sad if even in these moments you haven’t even introduced her to your wife personally.” Tapos ay tiningnan nito si Raven. Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kaniya kaya dinala niya sa kinauupuan nito ang kaniyang tingin. Sa kabisera ito nakaupo habang nasa kanan nito ang asawa na si Amanda, katabi si Athena. Nasa kaliwa nito si Kayden at magkatabi sila, habang nasa tabi naman niya si Kayne. Sa paligid ay naroon nakabantay ang dalawa sa mga housemaids na nakatalaga sa komedor. Naramdaman niya ang pagtingin ng lahat sa kaniya maliban kay Kayne na abala sa pagkain. Tiningnan niya si Kayden sa kaniyang tabi. “Pagkatapos ng hapunan ay dadalhin ko ang aking asa
HINDI nakakibo si Raven nang kumilos ang ama ni Kayden at humakbang palapit sa kaniya."Medyo mainit ang ulo ng asawa mo, Raven, subukan mong palamigin," manipis ang ngiting bulong nito.Napalunok siya bago manipis ding napangiti habang lampas ang tingin patungo kay Kayden na ng sandaling iyan ay sagad sa boto niya ang matiim na titig. "Opo, Dad," maiksing wika lang niya.Tinapik siya nito ng marahan sa balikat bago nagpatuloy sa paglakad at tuluyang nilisan ang silid nila ni Kayden.Nang ganap silang maiwan ni Kayden ay nagtitigan sila, kapwa may hinahagilap sa mga mata ng isa't isa."Kalimutan mo na lang kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon, Raven." Sinabayan nito ng paghakbang palapit sa kaniya ang sinabi.Pasimple siyang napalunok."M-Mayroon ba akong dapat isipin, Kayden?" Pinilit niyang patatagin ang boses upang hindi nito mahalata na kinakabahan siya lalo pa at ganap na itong nakalapit sa kaniya.Imbes na tumugon sa tanong niya ay pumulupot ang braso nito sa baywang niya a
NATIGILAN si Raven nang sumapit sila sa resort spa na sinasabi ni Athena. Pamilyar ito sa kaniya pero dahil nga isang dekada na ang nakaraan at marami na rin marahil ang nabago rito ay hindi na niya matiyak kung ito nga ba talaga ang resort spa na madalas nilang puntahan noon ng kaniyang Mommy kasama si Loraine."My friend and I recently discovered this resort spa and enjoyed it so much that we decided to visit here oftentimes," malawak ang ngiting sabi ni Athena saka umakbay kay Kayne at iginiya ito patungo sa isang direksyon.Napatitig siya sa pagkakalapat ng kamay nito sa balikat ni Kayne bago inihakbang ang mga paa para sa pagsunod sa mga ito."While we wait for my friend, let's have a body-to-body massage; she's on her way here anyway," narinig niyang sabi ni Athena habang patuloy sa paglakad patungo sa direksyon ng massage studio habang akbay si Kayne.NATATABINGAN ng makapal at puting tuwalya ang hubad na katawan ni Raven na padapang nakalatag sa ibabaw ng massage table. Haba
"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle.Huminto siya sa gagawing pagsakay sa kaniyang sasakyan at nilingon ang dalaga."Gusto ko lang siyang maaliw," napapaluha na sabi nito sa kaniya.Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi. "Hindi kita kailangan para aliwin ang asawa ko. She's not permitted to leave the property. Ngayong alam mo na, leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na niyan ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. Kumilos siya upang sumakay na ng tuluyan sa sasakyan."Kayden!" tawag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha!?" mapait na tanong nito sa kaniya.Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay ng kotse at pabalabag na isinarado ang car door.Kinalampag ni Myrtle ang car window."Alam kong hindi ka masaya, Kayden, and you deserve what you're going through!" umiiyak nito
MALAKAS na suntok sa mukha ang sumalubong kay Kayden pagsapit pa lamang niya sa study room ng kaniyang ama.Pasandal siyang bumagsak sa kakalapat lamang na dahon ng pintuan.Napangiwi siya sabay sapo sa kaniyang panga, akala niya ay nabasag na iyon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa kaniya."Kayden, you're overdoing it!" nanginginig ang pigil nitong boses dahil sa galit."It's your fault, Dad. I've talked to you about Athena, but you don't seem to have done anything. Inilabas niya si Raven dito. What do you want me to do? Hintayin ang susunod na mangyayari hanggang sa mapunta na lang ako sa sulok at magmukmok dahil ang mga pagsisikap ko sa loob ng maraming taong lumipas manatili lang sa piling ko si Raven will all come to nothing. Iyon ba ang gusto mo?!" pabulyaw at dire-diretsong wika niya sa ama.Nagsaltik ang mga bagang nito habang matalim ang titig sa kaniya."Ibang usapan na ito, Kayden. It's about between you and Athena. Can't you even afford to give me considerati
"I'M serious, Loraine...nakita ko s'ya," giit ni Raven sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya.Nagpatuloy siya sa paglakad palayo sa seafood restaurant na iyon kung saan ay nakita niya si Asher."So anong ginawa mo?" tanong naman nito na bakas sa tinig na hindi pa din naniniwala sa kanyang ibinalita. "Nilapitan mo ba s'ya? Kinausap?""Umalis ako sa restaurant, hindi ko alam pero parang hindi sapat 'yong three years na lumipas to face him again," wika niya bilang tugon sa tanong nito.Narinig niya ang pag buntong hininga nito, siya naman ay napasapo sa kanyang dibdib."Alam mo 'yon, 'yong naramdaman ko nang makita ko s'ya ulit? As I watched him, sa bawat pagngiti niya, sa bawat pagsasalita, at sa bawat pagkilos niya…pakiwari ko huminto sa pag-spin ang mundo!" maluha-luha na wika niya.Hindi niya maintindihan o malaman kung paano ba ipapaintindi dito ang eksaktong nararamdaman niya sa mga sandaling iyan."In love pa rin ako sa kaniya Loraine, at natatakot ako." Nakagat niya ang ib
ASHER let go of her hand at the intensity impact as they fell into the sea water.She felt as if her heart had stopped beating as she continued to plunge under the sea water.Parang namamanhid ang buo niyang katawan at hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga paa't kamay."Raven!" narinig niya ang tawag sa kaniya ng binata pero parang napakalayo ng kinaroroonan nito.She tried to open her eyes that were still closed at that moment. The shady surroundings under the sea opened before her eyes.Natakot siya.Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tawagin si Asher pero pumasok ang tubig dagat sa bibig niya na siyang tila umagaw sa natitira pang oxygen sa kaniyang dibdib.'Asher!' sigaw niya sa pangalan ng binata sa pamamagitan ng kaniyang isip—ah mali, ng kaniyang puso. Oo, sinisigaw ng kaniyang puso ang pangalan nito habang naroon ang matinding takot, ang matinding takot na baka hindi na niya muling makita ang mukha nito, na hindi na niya muling marinig ang boses at mga pagtawa nito.
MATAPOS ni Kayden sumilip sa kaniyang Lola ay sa home mini bar siya dumiretso.Sa kalagayan ng pag-iisip niya ngayon ay tiyak na mahihirapan siyang kunin ang kaniyang tulog, kaya naman kumuha siya ng baso ng wine sa freestanding wine glass cabinet.Pumili siya ng hard wine sa hanay ng mga alak na naroon sa wine credenza.Kumuha na rin siya ng cube ice at nilagay iyon sa wine glass upang matiyak na hindi mabilis na mawawala ang lamig noon.Matapos niyang masalinan ng sapat na dami ng alak ang wine glass ay ibinalik niya ang bote ng alak kung saan niya iyon kinuha.Binitbit niya ang ang wine glass na may laman palabas doon sa home mini bar pabalik sa kaniyang bedroom suite.Nang sapitin niya ang silid ay agad siyang napatingin sa malawak niyang kama, bakante iyon.He looked at the bathroom 's closed door.He sipped wine from the wine glass he was holding before walking closer to the bedside cabinet to get the master key.Sanay na siya kay Raven, ugali na nitong mag-locked sa bathroom ka