Chapter 47
Ang babae, na kanina pa tahimik, huminga nang malalim bago sumagot. "Pipay, ginawa namin iyon para sa kaligtasan mo. Ang pamilya natin... hindi ordinaryo. May mga taong nais kaming pabagsakin, at alam naming hindi ka magiging ligtas kung mananatili ka sa amin."
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. "Kaligtasan? Kaya n’yo ako iniwan? Bakit hindi na lang kayo ang lumayo? Bakit kailangang ako ang lumayo?"
"Mas madali para sa kanila na hanapin kami kaysa hanapin ka," sagot ng lalaki. "At si Samuel… isa siya sa iilang taong lubos naming pinagkakatiwalaan. Alam naming nasa mabuting kamay ka habang malayo ka sa gulo."
Napatitig ako sa kanila, pilit na iniintindi ang paliwanag nila, pero hindi ko maalis ang kirot sa dibdib ko. "Pero alam niyo ba kung gaano kahirap para sa akin? Na hindi ko man lang alam kung sino talaga ako?"
Lumapit ang babae, at sa unang pagkakataon, hinawakan niya ang kamay ko. "Pipay, patawarin mo kami. Alam naming mahirap ito para sa’yo, pero