Chapter 110
Ethan POV
Habang nag-uusap kami ni Cie Jill ay inamin ko dito ang totoo kong nararamdaman. Kung paano ako hinindian ni Pipay at hindi pinatawad hanggang ngayon.
"Alam mo ba kung gaano ka sakit yun. Oo inaamin ko na nasaktan ko siya noon kaya humingi ako ng tawad pero ayaw niya ako patawarin," sambit ko dito. "Alam ko na unfair sayo, Cie Jill, pero gusto ko lang sabihin sayo bago tayo ikasal mamaya!" dagdag kong sabi.
Bumuntong-hininga muna ito bago nag Salita. "Kapag ayaw sayo ang isang tao. 'Eh, di! I let go mo na. Hindi siya kawalan sayo, siya ang nawalan. Hindi ikaw!" tugon ni Cie Jill sa akin.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Cie Jill. Alam kong may punto siya, pero bakit parang hindi ko matanggap? Parang may kung anong pumipigil sa akin na tuluyang bitiwan si Pipay.
"Hindi ganun kadali, Jill. Hindi ko siya basta-basta kayang kalimutan."
Napailing siya saka hinawakan ang kamay ko. "Ethan, mamayang hapon na ang kasal natin. Gusto kong sigurado ka sa gi