APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.
Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.
Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.
Paglabas niya pa l