author-banner
Luffytaro
Luffytaro
Author

Novel-novel oleh Luffytaro

ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE

ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE

MATURE CONTENT ______ Sagad sa buto ang galit ni Lawrence kay Asha simula pagkabata. Sinisisi niya ang nanay nito na kabit ng kaniyang Daddy at naging sanhi ng pagkakasakit ng kaniyang Mommy na humantong sa pagkamatay nito. Pero paano kung itakda sila ng ama mismo ni Lawrence na magpakasal? Sa labis na galit ni Lawrence dahil dito ay pinarusahan niya si Asha at ginawa niyang parausan dahilan para pilitin ni Asha ang ama ni Lawrence na kanselahin na ang pagpapakasal nila. Iyon naman ang gusto ni Lawrence pero bakit habang nilalandi siya ng ibang babae ay si Asha ang naiisip niya? Maamin niya kaya sa sarili niya na ang matinding pagkamuhi na nararamdaman niya noon ay unti unti ng nagiging pagmamahal na pala?
Baca
Chapter: Chapter 151
ISANG MALALIM NA BUNTONG HININGA ang pinakawalan ni Asha habang nakatitig sa nakabukas na pinto ng silid ni Lawrence. Hindi niya alam pero pagod na pagod na siyang makipagtalo pa rito. Kahit na anong gawin niyang pagtanggi ay puro ang gusto lang nito ang sinusunod nito.Kahit na anong tanggi pa niya rito ay hindi siya nito pinapakinggan. Napaka makasarili nito kahit kailan. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan niya. Naglakad siya patungo sa banyo upang maghilamos na muna at pagkatapos ay lumabas na rin siya hanggang sa may kusina. Pinaupo siya nito sa isang upuan. Kung hindi lang dahil sa susi ng kotse ay hinding hindi siya mananatili doon. Napakahirap kase ang mag commute lalo pa at napakaraming napapabalita na nire-rape kaya natatakot siya.Habang pinapanood niya ito ay hindi niya maiwasang hindi ito tanungin dahil mukhang hirap na hirap ito sa ginagawa. “Kaya mo ba talagang magluto?” tanong niya rito.“Oo naman ako pa ba? Ilang beses na akong nanuod ng cooking tutorials para l
Terakhir Diperbarui: 2025-05-05
Chapter: Chapter 150
NAPAIRAP NA LANG siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito sa kaniya. Ano bang nangyayari rito at bumabanat ito ng ganun? Hindi kaya dahil sa epekto lang din ng alak na ininom nito? “Tigilan mo nga ako. Tyaka huwag ka ngang ngingiti-ngiti sa akin ng ganyan. Nakakairita sa totoo lang.” inis na inis na bulalas niya.“Bakit naman? Isa pa kasalanan mo naman ito e. Ginayuma mo yata ako kaya ganito ang epekto sa akin.” sagot naman nito na natatawa pa na mas lalo lang tuloy niyang ikinais.“Alam mo, para kang bata. Hindi ko alam kung epekto lang ba talaga yan ng alak o nagkukunwari ka lang.” sabi niya rito at sinamantala niya ang pagkakataong iyon para kuhanin ang susi mula sa kamay nito kaya lang ay dahil sa kanyang pagpwersa ay bigla na lang silang bumagsak na dalawa at napaibabaw siya sa katawan nito ng wala sa oras.Nagkatinginan sila ng ilang sandali at walang nakapagbuka ng bibig dahil sa pareho silang gulat na gulat. Nang makabawi siya ng tuluyan sa kanyang katinuan ay mabilis siyang
Terakhir Diperbarui: 2025-05-05
Chapter: Chapter 149
INIS NA INIS niyang binuksan ang kotse at pabagsak na ipinasok ito doon. Tumingin ito sa kaniya na may ngiti ang mga mata ngunit hindi na niya ito pinansin pa at nagmadali na rin para sumakay na sa kotse. Napahugot na lang siya ng mahabang buntong hininga bago niya paandarin ang kotse.Habang nasa daan sila ay ramdam na ramdam niya ang nanunuot na mga titig ni Lawrence sa tabi niya at mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang kita niya ang ngiti nito na halos gusto niyang itigil ang kotse at burahin ang ngiti nito. Ngunit sa kabila nito ay pilit niyang ikinalma ang kanyang sarili at hindi na lang ito pinansin. Hanggang sa makarating na sila sa mansyon ay nakatitig pa rin ito sa kaniya.“Nandito na tayo.” malamig na sabi niya at pinatay na ang makina ng sasakyan.Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ni Lawrence sa tabi niya. “Pwede mo ba akong ihatid sa kwarto ko?” pakiusap nit sa kaniya ngunit mabilis siyang sumagot. Wala siyang balak na pumasok pa sa loob at ayaw niy
Terakhir Diperbarui: 2025-05-03
Chapter: Chapter 148
ILANG SANDALI ITONG hindi nagsalita at nakatitig lang sa kaniya hanggang sa muli na naman niyang ibinuka ang kanyang bibig. “Bakit kaya hindi ka na lang muna umuwi?” tanong niya rito. Mas makakabuti siguro para sa kanila kung uuwi na lang muna ito at magpapahinga.“Sige, kung yan ang gusto mo ay aalis na lang muna ako para hindi mo na ako makita pa.” sabi nito sa kaniya na walang emosyon ang mukha.Pagkatapos lang nitong sabihin ang mga salitang iyon ay dali-dali na siyang tumayo mula sa ibabaw niya at naglakad patungo sa pinto. Bago lumabas ay tumigil muna ito sandali, hindi ito lumingon sa kaniya ngunit hindi gumagalaw at nakabitin ang kamay sa ere upang buksan ang pinto hanggang sa tuluyang lumabas at nmaiwan siyang mag-isa sa loob ng silid.Ilang sandali siyang nakatulala hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa knaiyang kaliwang dibdib. Hindi niya alam ngunit sa sumunod na sandali ay bigla na lang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Biglang bumal
Terakhir Diperbarui: 2025-04-30
Chapter: Chapter 147
KITANG KITA niya kung paano sumimangot si Lawrence. “Sino naman kaya yan?” tanong nito sa kaniya.Agad niya itong pinanlakihan ng kanyang mga mata. “Paano ko malalaman kung sino? Bitawan mo ako para malaman ko.” sabi niya rito ngunit hindi ito kaagad na pumayag.“Ako na ang magbubukas ng pinto para sayo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay kaagad na siya nitong binitawan at naglakad patungo sa pinto kaya lang ay muli itong tumigil at bumalik sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hinila siya nito patungo sa pinto at mukhang ayaw siya nitong bitawan.“Teka lang, bitawan mo na lang muna ako.” sabi niya rito ngunit parang wala itong naririnig at hinila pa rin siya nito hanggang sa pinto at pagkatapos ay binuksan ito.Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. “Anong problema?” kaagad na tanong ni Lawrence dito na walang kapreno preno.“Napakaingay ninyo may natutulog na bata sa tabi ninyo. Pwede bang pakihinaan niyo naman ang mga bo
Terakhir Diperbarui: 2025-04-30
Chapter: Chapter 146
HABANG NASA KLASE siya bigla na lang akong nakatanggap ako ng tawag mula sa juristic person ng condo na may lumalabas na usok sa pintuan ng kwarto kaya naman dali-dali akong bumalik para tingnan ang kwarto dahil natatakot ako na may nangyaring masama.Pagdating ko, nadatnan ko si Lawrence na nakikipagtalo sa juristic person."Sabi ko nagluto ako at nakalimutan ko. Hindi ko sinasadyang masunog ang kusina.""Anong klaseng pagkain ang ginagawa mo na napakaraming usok?""O gusto mong magkaroon ng problema sa akin?" Pinandilatan ni Lawrence ito.Nang makita ko iyon ay dali-dali akong pumunta para pigilan siya. “Tumigil ka na.”Nang makita niya ang mukha ko ay agad na lumambot ang matigas na tingin ni Lawrence. Bago nagmamadaling humingi ng tawad sa legal officer ng condo."I have to apologize. Hindi na mauulit ang ganitong bagay.""nevermind "You're so beautiful, what can I give you?" That answer left me speechless. Dahil hindi ko akalain na mawawala sa isang kisap-mata ang mabangis na mo
Terakhir Diperbarui: 2025-04-30
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Baca
Chapter: Chapter 8
NAPAKAGAT LABI SI ESTELLE at napapikit ng mariin. Ang sulok ng kanyang mga mata ay nagsimula nang mag-init at halos bumagsak na ang mga luha. Ang kanyang mga labi ay nagsimula na ring manginig. Hirap man siya na magsinungaling sa anak niya ay wala siyang pagpipilian dahil kailangan niyang magsinungaling sa anak niya para hindi ito masaktan. Bahagya siyang umiling at mas humigpit pa ang hawak niya sa maliit nitong mga kamay. “Hindi anak ano ka ba. Bakit mo naman nasabi yan?” hinaplos niya ang buhok nito. “Hindi galit sayo ang Daddy mo, masyado lang talaga siyang busy…” halos gumaralgal na ang tinig niya sa huling mga salita ngunit pinilit niya pa ring huwag umiyak sa harap ng anak niya.Nang marinig ni Mia ang sinabi niya ay isang mahinang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Ang mukha nito ay napakaputla na halos kakikitaan ng pagkapagod. “Huwag mong isipin iyon huh? Isa pa, masaya ako sa piling ng Daddy mo…” bulong niya ritoAng mga salitang iyon ay halos bumara sa lalamunan niya ngun
Terakhir Diperbarui: 2025-05-06
Chapter: Chapter 7
DALI-DALING SUMUGOD si Estelle sa school ni Mia nang matanggap niya ang mensahe na galing sa teacher ng anak niya. Habang nasa daan ay bumuhos ang napakalakas na ulan at nang bumaba nga siya sa kanyang sasakyan ay halos wala na siyang makita pa ngunit mabilis niyang kinuha ang payong at nagmamadaling tumakbo patungo sa may guard house ng school.Halos maghabol siya ng kanyang hininga pagdating niya at doon ay nakita niya ang kanyang anak na nasa isang gilid habang yakap-yakap ang sarili at halos madurog ang kanyang puso habang pinapanood niya ito. Alam niya na sa chat kanina sa kaniya ng anak niya ay napakasaya nito dahil sa susunduin ito ng ama ngunit ngayon ay halos manlumo siya.Isang mainit na likido ang bumagsak mula sa kanyang mga mata ngunit dali-dali niya iyong pinunasan at pilit na nagpaskil ng isang mapaklang ngiti bago tuluyang lumapit sa anak niya. “Mia…” tawag niya rito at nang marinig nito ang pagtawag niya ay agad itong nagtaas ng ulo at tumingin sa kaniya.Agad na nagi
Terakhir Diperbarui: 2025-05-04
Chapter: Chapter 6
HABANG NAG-IISCROLL siya sa kanyang epbi account ay bigla na lang nagdalim ang kaniyan mga mata dahil sa kanyang nakita. Ang diamanteng hikaw na ibinigay ni Henry kahapon kay Mia ay naka-post na doon at na kay Gwen na. Kung sabagay ay kay Gwen nga naman talaga iyon. Dali-dali na niyang pinatay ang kanyang cellphone para hindi na niya makita ang mga eksenang iyon nang bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone kaya muli siyang napatingin dito.Nang buksan niya iyon ay isang number iyon na walang pangalan. “Uuwi na ako sa bansa sa loob ng siyam na araw.” sabi nito at sa dulo nito ay may dalawang letra.Kahit na hindi naka-save ang number na iyon ay alam na alam niya kung sino ang taon iyon. Kung tutuusin ay halos anim na taon na silang hindi nag-uusap ng taong iyon. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga siya at hindi na umimik pa bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan.HALOS MAG-aalas kwatro na ng hapon na nang makalabas si Henry sa silid kung saan ginanap ang kanilang meeting. Paa
Terakhir Diperbarui: 2025-05-04
Chapter: Chapter 5
ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito.Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam.Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata.Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa an
Terakhir Diperbarui: 2025-04-17
Chapter: Chapter 4
SA UNANG pagkakataon ay magkasunod silang dalawa na pumasok sa loob ng silid ni Mia. halos walong taon na silang kasal ngunit iyon pa lang ang unang pagkakataon na tumungtong si Henry sa loob ng silid na iyon.Sumandal lang siya sa pinto at pinanood si Estelle na naupo sa tabi ng anak at inumpisahang binasahan ang bata ng kwento. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napapatitig sa kaniya ang bata at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para mag-iwas siya ng tingin dito. Habang tumatagal ay kating-kati na siya na umalis na sa silid ngunit bigla niyang naisip si Gwen dahilan para mapasabi siya sa sarili niya na kailangan niyang magtiis ng isang buwan para rito.“At namuhay sila ng masaya…” pagtatapos ng kwento ni Estelle. Tinitigan ni Henry ang mukha nito na natatamaan ng malamlam na ilaw. Bagamat payat ito ay nananatili ang kagandahan nito. Ang mga mata nito ay masuyong nakatingin sa batang nakahiga sa kama. Hindi niya alam ngunit may kung anong emosyon a
Terakhir Diperbarui: 2025-04-17
Chapter: Chapter 3
PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang i
Terakhir Diperbarui: 2025-04-17
Anda juga akan menyukai
GEORGINA MENDOZA
GEORGINA MENDOZA
Romance · mavis 242720
2.9K Dibaca
He Hates Me But He Loves Me
He Hates Me But He Loves Me
Romance · Zairalyah_dezai
2.9K Dibaca
Ang Naghihiganteng Puso
Ang Naghihiganteng Puso
Romance · AveryHayz
2.9K Dibaca
Exclusively Yours
Exclusively Yours
Romance · ScarletteQueen
2.9K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status