MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.
“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.
Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.
“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.
“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam