NANG IBABA niya ang kanyang cellphone ay malalim siyang napabuntong-hininga. Bigla siyang napaisip bigla, ngayong kasi ay nagdadalawang isip siya sa sinabi niya kay Don Lucio. Kung kailan tapos na silang mag-usap ay tyaka pa pumapasok sa isip niya iyon. Napapikit na lang siya ng mariin.
Ilang sandali pa ay muli siyang napamulat ng kanyang mga mata nang bigla na lang may tumunog sa kanyang cellphone. Tiningnan niya kung ano iyon at nakita nga niyang may text si LAwrence sa kaniya. Hindi niya na lang maiwasang muling mapabuntong-hininga. “Dalhan mo ako ng pagkain dito sa kwarto.” sabi nito sa text nito.
Binasa niya lang iyon at hindi na nag-reply pa. Isa pa ay alam niya namang wala siyang magagawa. Kailangan niyang sundin ang utos nito dahil isa naman talaga siyang utusan sa bahay na iyon. Wala siyang pagpipilian.
Ilang sandali pa nga ay bumangon na siya mula sa kama at dumiretso sa kusina upang maghanda ng pagkaing dadalhin niya sa silid nito. Nang matapos niyang ihanda ang lahat ay n