BATA PA LANG ay marunong ng lumangoy si Daviana, ngunit hindi naman sobrang galing na swimmer. Malakas lang ang loob niya nang dahil sa pagkataranta kung kaya naman sinubukan niyang lumangoy upang sagipin lang si Rohi na sigurado siyang nasa ilalim ng tubig. At dahil kakapalit lang ng taon iyon ay malamig pa ang tubig sa ilog kahit na mainit ang sikat ng araw. Nanggaling ang panahon sa taglamig. Walang pag-aalinlangang inilubog niya ng paulit-ulit ang katawan sa tubig, hindi alintana ang ginaw.
“Rohi?!” sisinghap-singhap siyang panaka-nakang umaahon ang mukha habang hinahanap ang katawan ng lalaki. “Ano ba? Nasaan ka? Rohi?!” kawag-kawag niya pa ng dalawang kamay sa tubig.
Hindi na gaanong malinaw ang alaala sa parteng iyon ni Daviana. Hindi niya nga alam kung paano niya nagawang malibot ang paligid ng ilog upang hanapin lang katawan ni Rohi, o gaano niya katagal hinanap ang lalaki bago niya ito natagpuan na tila wala ng buhay. Nang makita niya ito ay walang pakundangan niyang hinila