NANG MARINIG IYON ay napahawak na si Daviana sa kanyang dalawang tuhod na naramdaman na niyang biglang nangatog. Napalunok na rin siya ng laway sa sobrang tensyon na naramdaman niya. Kulang na lang ay huminga siya nang malalim para lang mailabas niya ang bigat na nasa loob ng kanyang dibdib.
“Ayos lang, Rohi. Sige. Hindi naman pwedeng ma-delay iyon nang dahil lang sa akin.”
May guwang sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag ng salita pero alam niya kung saan iyon galing. Hindi niya mapigilan ang sariling mabahala. Si Rohi ang nagsabi sa kanya noon na bibigyan siya nito ng oras, tapos ngayon sasabihin nitong hindi siya maghihintay habang panahon. Gusto niya sanang ipaalala iyon sa kanya, pero pinigilan na lang niya ang dila. Wala siyang karapatan na mag-demand dito. Siya na nga rin ang tinutulungan nitong magkaroon ng trabaho eh. Siya pa ‘tong ganito. Wala rin namang dahilan upang i-gate keep nito ang kanyang pwesto. Naghahanap ang company nina Rohi ng translator sa team, kung hin