ILANG MINUTONG NABALOT ng katahimikan ang buong paligid ng ward. Hinintay ni Warren na ibuka ni Melissa ang kanyang bibig. Iyon din ang hinihintay ni Daviana. Hinihintay ng dalaga kung pasasamain ba siya ni Melissa kay Warren kagaya ng pagbibintang na ginawa nito.
“Nahulog ako kasi…” pabitin pa nitong sagot na iniiwas na ang mukha kay Warren, napailing na si Daviana. Talagang paninindigan niya ang kasinungalingan niya! “Alam mo namang ayaw sa akin ni Daviana, hindi ba? Galit siya sa akin kung kaya naman noong nag-sorry ako sa kanya pag-alis mo bigla niya akong itinulak. Gaya lang noong nasa kotse mo kami dati. Tanda mo?”
Hindi na dinugtungan ni Melissa ang kanyang litanya. Nilingon na niya ang reaction ng nobyo. Galit na noon ang mukha ni Warren. Mahigpit na nakatikom ang kanyang labi, at napakababa ng presyon ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong.
“Seryoso ka bang itinulak ka talaga ni Viana?”
Kinagat na ni Melissa ang kanyang labi. Oras na sabihin niyang kasalanan ni Daviana iyo