SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. โIkaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!โ Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.โNgayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw moโโ โWala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.โRohi?โ masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. โPumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?โ sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.โPaniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.โ mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. โNaaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng โyun! Nakakabahala na talagaโฆโโPaanong bintang? Itinulak mo?โ โHindi. Ganito kasi iyon.โ Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. โPinatakbo ko an
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. โRohi, sandali lang!โ Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.โBakit? May kailangan ka pa ba?โ Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.โMaraming salamat.โโWalang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagamaโt may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?โAnong s-sinabi mo, Rohi?โ Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. โAng sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.โ Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? โBakit?โ โSa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.โ sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon. โKung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw saโyo?โ Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.โHindi mo ba sasagutin ang tawag?โ Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a
SINUNDAN NG MGA mata ni Rohi ang likod ng dalaga na naglaho na sa paningin niya nang sumara ang pintuan. Dahan-dahang naupo ang binata sa sofa habang nakatingin pa rin ang mata sa dahon ng pintuan ng silid. Nakapagkit pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Daviana kanina. Napayuko na siya doon. Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas na doong tumawa na tanging siya lang ang nakakarinig. Tuwang-tuwa ang binata sa naging reaksyon ng dalaga na halatang labis na nahihiya pa rin sa kanya. Nanatiling nakangiti pa rin ang labi ni Rohi.โAng cute niya talagang maasarโฆโ mahina niya pang usal na muling mahinang natawa. Nahiga na si Rohi sa sofa at pilit niyang pinagkasya ang sarili doon. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Muli pa siyang natawa nang pagpikit ng mga mata ay makita niya sa balintataw niya si Daviana. Ang linaw noon na tila ba kaharap niya lang ang dalaga. Nakagat na ni Rohi ang kanyang pang-ibabang labi, iba na kasi ito. Masyado
MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. โHindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.โ โKailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.โ Muling iniiling ni Davi
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.โPunyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!โNamumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.โHindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!โ problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. โMabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!โ baling na nito sa kanyang asawa.โAno ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?โ baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. โHindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.โ hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.โOo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.โ Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. โSige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka naโฆโ That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.โI don't want you to get engagedโฆโ nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, โHindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.โHindi na. She might be a little emotional todayโฆalam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.โ sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.โAnong meron, Warren?โ tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. โV-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.โIpinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. โHey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy akoโโ โAng engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?โ puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. โSinabi ko naman saโyo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?โ Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. โSinabi ko rin naman saโyo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking โyun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. โAno pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?โ โWala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na saโyo iyon? Masaya ka na ba ha?โWala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng ibaโt-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. โIt was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. โKung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.โ Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? โHindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancรฉe na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!โKumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.โHindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.โN