GUMALAW ANG ADAMS apple ni Rohi sa napaka-lame na dahilan na iyon ng dalaga upang hindi niya ito mapaupo sa unahan. Marami pa siyang gustong sabihin pero pinigilan na lang niya ang kanyang sarili at baka magtalo pa sila. Ngunit sa bandang huli ay hindi niya pa rin napigilan ang bibig nito.
“Pwede mong i-adjust ang upuan. Pwede mo rin na ibaba.”
“Masikip nga diyan. Dito na lang ako!”
Napakalabo talaga ng dahilan ng dalaga. Pinanliitan na siya roon ng mga mata ni Rohi.
“Bakit ka ba inaantok? Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi? Ano pang ginawa mo?”
“Hindi ah! Mahimbing kaya ang tulog ko. Gusto ko lang talagang matulog sa biyahe ngayon!”
Nungkang aaminin niya sa binata na hindi nga siya nakatulog nang maayos dahil iniisip ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Sa bandang huli ay hindi na nakipagtalo pa si Rohi sa kanya. Matigas ang ulo nito at nakikita niyang walang patutunguhan ‘yun.
“Hindi rin ako nakatulog nang maayos.”
Ilang segundong tumigil sa pagtibok ang puso ni Daviana