"Hardy...,"
Sa tingin ko ay ngayon lang ulit ako nakagawa ng pinakamahabang tulog ko mula ng magsimula ang aming pagbabakasyon.
Pakiramdam ko, naibawi ko na ang ilang araw na kakulangan sa pahinga, tagtag sa biyahe, at walang katapusan na stress na idinulot ng lahat ng naganap.
Ito ang naramdaman kong positibong nagawa sa akin ng aksidenteng ito.
Pero ilang oras na nga ba akong nakatulog at ginigising na ako ngayon?
Magaaan kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sino ang nagtangkang manggambala sa aking pagtulog.
Laking gaan ng pakiramdam ko nang masilayan ko ang aking mahal na ama na siyang nakatindig sa gilid ng aking hinihigaan. Matiyagang naghihintay sa aking pag-ige.
" 'Tay, okey lang po ba kayo?," maagap kong pangangamusta sa kanya.
"Oo naman, tignan mo, okey na okey ako...," masigla niyang gawi na nagpaikot-ikot pa't nakangiti.
Maaliwalas man ang pinapakita ni Tatay Bong na mukha sa aki