Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
View MoreMinsan na ba ninyong naitanong sa inyong sarili....Tayo nga ba ang lumilikha o pumipili ng ating kapalaran? O sadyang nakatadhana na ang bawat nagaganap sa atin? Matalino bang itanong ito sa isang tipikal na mundo o lubhang malikot lamang ang pag-iisip ko.
Ganito ako sa bawat pagkakataon na magkakaroon ng pagtila sa pagkilos. Mapag-isip. Mapagtanong kasi hindi naman ako nabiyayaan ng magarbong pamumuhay at hitsurang kababaliwan ng buong mundo. Mapagtanong sa imahinasyon na kung minsa'y bunga ng gutom o di kaya'y kapaguran.
Kanina lamang ay marahan kong inilatag ang aking pagal na katawan sa aking kama. At sa isang daglit lamang na pagpikit ng aking mga mata, waring inilipad ako sa dilim patungo sa kawalan....sa lugar na sinuman ay hindi alam ang kasagutan.
Sa lingid na pook, sino ako rito? Sadyang madilim. Malamig. Kapareho ba ito ng aking nakagisnang mundo? Bakit wala akong mahapuhap na kahit anuman? Nakakatakot. Dinig ko ang bawat kong paghinga. Nang bigla, may bulong mula sa aking likuran....
"Dito ka lang, huwag ka na umalis....," tila may katandaang tinig na anumang lingoy ko'y hindi ko mahagilap kung nasaan. Ano nga ba ang maaaninag ko mula sa karimlan?
Walang anu-ano'y may sumilip na sinag ng liwanag mula sa taas pakalat sa paligid. Paunti-unting namamasdan kong tumatagos sa mga dahon. Para bang ako'y nasa gubat. Madilim pa rin habang higit na lumalamig ang hangin. Sa saglit kong pagkurap, umusbong ang pag-usok ng mga dahon hanggang sa lumiyab ang mga ito. Uminit ang paligid hanggang sa lumarga pa ang apoy sa buong kagubatan. Nakakapaso kaya't nagpumilit akong tumakbo palayo kahit na ba hindi ko matanaw ang nayayapakan.
"Huwag kang umalis!!!!," muling habi ng lalaking matandang tinig.
Hinanap ko kung saan iyon nanggaling ngunit wala akong masipat kaya't nagpatuloy ako sa pagkaripas sa blankong dimensyon. Munting naampat ang aking pangamba ng makalayo ako sa pagkasunog ng gubat at naulinigan ko naman ang tagaktak ng tubig. Naglilingon muli ako, nagbabaka-sakaling makikita ko ang pinagmumulan nito.
Walang anu-ano'y nabasa ang aking mga paa mula sa likuran at para bang tinatabig ako nito pagitla-gitla. Kinakalabit nito ang sakong ko hanggang mabasa ang buo kong paanan. Paglinga ko'y namataan ko na nakatindig na pala ako sa isang batuhan at hinahampas ng mga alon ang mga ito. Lumakas muli ang ihip ng malamig na hangin. Giniginaw na ako nang umambon. Sa isip ko'y kailangan kong sumilong. Pero saan?
Hindi ako nagdalawang isip tumakbo muli. Kahit saan basta makaiwas lang mabasa ng ambon. Subalit sa aking pagtakbo, namali ako ng tinunguan at hindi ko namalayan ang tila putik na aking kinasadlakan na unti-unting nagpapalubog sa akin.
"Saklolo!!!!, tanging nailuwal ng aking boses mula sa pagkatakot na tuluyang lamunin ng kumunoy. Tila may isang libong kamay na putik ang sapilitang humihila sa aking paggunaw. Walang silbi ang ano ko mang pagpupumiglas.
"Saklolo!!!! Tulong!!!! Tuluyan n'yo ko!!!! Saklolo!!!!," paulit-ulit kong pagsusumigaw nang may pwersang haging ang tumama sa aking magkabilang pisngi.
"Bhy...Gising! Ano ba?!," bungad kong narinig sa aking pagkabalikwas mula sa pagkabangungot.
Magkasamang hingal at kaba ang aking tangan sa aking pagmulat. Nagisnan ko si Jing-Jing na hawak ang magkabila kong pisngi habang nakapatong siya sa aking harapan. Nakahinga ako bigla ng maluwag sa aking nadatnan. Mabuti na lang at isang masamang panaginip lamang ang lahat.
"Okey ka lang ba, Bhy? Okey ka na?," bigkas ng ubod pag-aalala ng aking kasintahan.
"Oo, Bhy...okey na...salamat...,"aking sagot sabay pakawala ng isa pang buntong hininga.
"Haynaku, buti naman...nagulat ako sa lakas ng sigaw mo...," Napayakap siya sa akin bunga marahil ng pangamba na hindi ako magising.
"Thank you, Bhy...," pasalamat ko sa kanya sabay hilagpos mula sa kanyang yakap upang bigyan ng isang halik sa labi.
"Okey ka na nga, ayan ka na naman eh," pagngiti niya sabay kabig sa magkabila kong balikat, dahilan upang muli akong mapahiga.
"Kumilos ka na at maya-maya darating na sila...," paalala ni Jing-jing sa akin. "Maligo ka na," muli niyang turan habang tumindig siya palayo sa aking ibabaw at nilisan ang aking higaan.
Dumirekta siya sa isang silya sa kanang bahagi ng aking kama at doon naupo. Isang simpleng kamiseta at maiksing short man lang ang kanyang suot ay bakas ang hubog ng kanyang batang katawan. Inekis niya ang mga kanyang mga binti sa pagkaupo. Nginitian ko siya at kinindatan.
Napakaganda at napakasexy ni Jing-Jing habang ako parang yung wrestler na si Rey Mysterio kapag walang suot na maskara. Napakakinis ng buo niyang katawan at kahit nakaka-isang taon pa lang ang aming relasyon ay namalas ko na't nalakbay ang buo niyang karilagan.
"Ayoko 'yang iniisip mo ha, nakapustura na ako at baka dumating na sila," masamang tingin niya na tila alam ang aking nais ipahiwatig.
"Oo na nga...," Napangiti kong sabi habang marahang bumangon at itutupi na sana ang aking kumot nang agawin niya ito mula sa aking likuran.
"Akin na 'to...ako na magtutupi, maligo ka na, bilis!," mando ni Jing-Jing sa akin habang hila ang kabilang parte ng kumot.
Pwersahang kong hinila ang kumot, dahilan upang mahatak ko siya papalapit sa akin at muling mayapos.
Ibinagsak ko muli siya sa kama at agad pinupog ng aking mga halik.
"Naughty Hardy ha," tugon niya kasabay ang isang pekeng sibi ng labi.
Isang simpleng ngiti lamang ang aking isinukli sabay muling nakaw ng mainit na halik sa kanyang mga labi.
Sa oras na ito, hindi na siya pumalag sa mga sunod na naganap.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments