Henri’s POV
Akala ko madali lang ang naisip kong plano.
Isang simpleng kontrata. Isang kasal na walang halong emosyon.
Pero hindi—lalo lang itong naging mapanganib.
Dahil habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa sarili kong patibong.
Mas lumalala ang pagkagusto ko kay Dhalia.
Bakit ba siya gano’n?
Paano ba naman at ang pasimple niyang pagkagulat, kilos, at ang inosente niyang mga mata ay hinahatak ako pabagsak sa isang bangin.
Damn, Henri. Kumalma ka.
Napatingin ako sa asawa kong nakatulog sa isang silya sa poolside. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, banayad na pumapaypay sa hangin. Ang payapang mukha niya ay parang isang obra—sobrang amo, sobrang ganda.
At ang suot niyang basang damit…
Napalunok ako.
Bakat ang bawat hubog ng katawan niya. Ang bawat kurba.
Damn.
Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko.
Nagtaas-baba ang dibdib ko sa bigat ng paghinga.
Ilang segundo akong nanatiling nakatayo roon, nakatitig lang sa kanya, sinusubukang pigilan ang bumabango