'Hello, Henri. Kumusta ang tulog mo?'
Hindi… parang ang awkward naman kung iyan ang ibabati ko.
'Kailan tayo babalik sa Pilipinas?'
Ayan, mas maayos at may sense. Halatang kalmado lang.
Hala, paano ko ba haharapin si Henri ngayon?
Naalala ko ang nangyari kagabi—ang halik, ang init ng katawan niya laban sa akin, ang muntikan nang mangyari sa pagitan namin.
Bakit ang sarap sa pakiramdam?
Alam kong hindi lang basta aksidente ang halik namin. May kahulugan iyon.
At hindi ko maitatanggi na gusto ko rin.
Baka sabihin ni Henri, nag-e-enjoy ako dahil hindi ko siya pinigilan.
Napakagat-labi ako at umiling. Paano ba ‘to?
Siniguro kong maayos ang suot ko—isang oversized sweater at isang hindi ganoon kaikling shorts. Wala akong choice, wala akong nadalang jeans o pajama. Kahit paano, matatakpan naman nito ang init na pilit kong nilalabanan.
Pagkalabas ko ng kwarto, agad kong nakita si Henri—hubad ang pang-itaas at abala sa pagluluto sa kusina.
Hala ka.
Ba’t hindi siya n