DHALIA's POV
Paglabas ko ng kwarto, hindi pa man ako nakakapagsalita, agad na bumagsak ang tingin ni Henri sa suot ko. Napansin kong bumakas ang kunot sa kanyang noo, at saglit siyang napalunok bago mariing itinikom ang kanyang mga labi.
“Iyan na ba ang isusuot mo, Dhalia?” tanong niya, ang boses niya’y mas mababa kaysa sa usual.
Napatingin ako sa sarili ko. Suot ko ang isang lilac na bodycon tube dress, na bumagay sa aking kutis at nagpapatingkad sa hubog ng aking katawan. Itinaas ko pa ang buhok ko sa isang malinis na bun para mas ma-emphasize ang leeg at balikat ko.
“May problema ba sa suot ko, Henri?” inosenteng tanong ko.
Napabuntong-hininga siya at napahawak sa sentido. Mas lalo pang lumalim ang kanyang kunot-noo.
"Anong… bakit, Henri? Hindi ba bagay?”
Hindi siya agad sumagot. Bagkus, marahan niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ko, saka dumaan ang dila niya sa kanyang labi.
“Paano ako makakapokus niyan, Dhalia?” bulong niya, tila hindi sinasadyang lumabas ang inis