hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil.
"Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana