Search
Library
Home / Romance / BIYAHENG LANGIT / Chapter 6

Chapter 6

Author: Yeiron Jee
2025-04-29 11:48:13

"Sasakay ka pa ba?" naiinip na tanong ng taxi driver na inarkela ni Natasha.

"Sandali lang," nilingon ng dalaga ang driver at ningitian ng matamis. Pogi din kasi ang driver at bata pa. First time niyang ginawa iyon sa hindi kakilala at sa isang driver pa ng pampublikong sasakyan.

"Stop flirting with him! Mas pogi ako diyan kaya sa akin ka na sumakay." Iritableng sita ni Yael sa dalaga. Ngayon niya lang itong nakitang ngumiti pero para pa sa ibang lalaki.

Bahagyang namula ang pisngi ng dalaga dahil iba agad ang pumasok sa marumi niyang utak nang marinig ang salitang, 'sasakyan'.

"Lamang ka lang ng isang paligo sa akin, Pare!" Nakangisi na kontra ng taxi driver.

"Huwag kang mayabang at huwag mo akong tawaging 'pare' dahil wala akong kumpareng bansot." Aroganteng sita ni Yael sa taxi driver.

"Tumigil ka nga! May kasalanan ka sa akin kaya ayaw kong sumakay sa iyo!" mabilis niyang iniwas ang tingin sa binata at lalong namula ang pisngi niya dahil pa rin sa salitang—sakay.

"Narinig mo? Ayaw sa iyo at sa akin niya gustong sumakay." Pagyayabang ng driver at nakangisi pa ito.

Kinilabutan na napalingon si Natasha sa driver. Gusto niya sana itong sampalin dahil nabastosan siya sa binitiwang salita ng huli.

"Nabastusan ka sa kanya pero kapag si Yael ang nagsambit ng ganoon kataga eh kabog iyang dibdib mo at nakikiliti?" nang-aasar niyang sermon sa sarili.

Lalong uminit ang ulo ni Yael nang makitang napatulala ng titig si Natasha sa mayabang na taxi driver. First time niyang makaramdam ng ganoon. Hindi niya alam kung dahil ba nainsulto at mas gusto ng dalaga na iyon ang sasakyan kaysa kaniya.

"Ayy!" Napahiyaw si Natasha sa gulat nang buhatin siya ni Yael. Lahat ng naroon sa paligid ay napatingin na sa kanila.

Hindi na nag-abala ang driver na pumagitna sa dalawa na mukhang may hindi pagkakaunawaan. Sa hitsura ng lalaking umagaw sa kaniyang pasahero ay alam niyang wala siyan panaman dito.

"Sira ulo ka ba? Ibaba mo nga ako!" Galit na hinampas ni Natasha ang balikat ng binata. Bridal style ang buhat sa kanya nito at mabuti nalang ay nakasuot siya ng pantalon ng mga oras na iyon.

"Wala ka talagang mudo!" Nanggigil sa inis ang dalaga nang pabagsak siyang iniupo sa loob ng magarang sasakyan na hindi niya alam kung sino ang may ari.

Hindi pinansin ni Yael ang pagbunganga ng dalaga. Mabilis na isinara ang pinto at umikot sa kabilang pinto ng sasakyan.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakita sa ginawa mo? Tiyak na pagtatawanan ako ng mga iyon!" naiiyak na sa galit si Natasha at mukhang baliwala lang sa binata ang ginawa nito sa kaniya. Ayaw niya sa lahat ay maiskandalo ang sarili in public place lalo na sa harap ng Empleyado ng Restaurant.

"I don't care!" Supladong sagot ng binata at pabalyang isinara ang pinto na nasa gawi nito.

Natahimik bigla si Natasha nang makita ang galit sa mukha ng binata. Bigla siyang nagugulohan sa inaasta nito at sa hitsura nito ngayon.

"Bakit ka nagagalit? Ako lang dapat ang nagagalit dito!" pabulong niyang sita sa binata na para bang takot na lalo itong magagalit. Sa unang pagkakataon ay na under siya ng isang tao sa emosyon at sa lalaki pang ito na hindi niya kilala ng lubusan. Worst pa ay kahapon niya lamang ito nakilala.

"Gusto mo talagang sumakay sa lalaking iyon, ha!?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Yael dito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwalang napatitig sa mukha ng antipatikong binata. "Ang bastos mo!" naibulalas niya nang makabawi.

"Alin ang bastos doon?" Nagtatakang tanong ni Yael.

"Wala!" Mabilis niyang bawi at umiwas ng tingin kay Yael. Ramdam na naman niya ang pamumula ng kaniyang mukha. Utak lang naman niya ang naging bastos at kasalanan iyon ng kaibigan. Mula nang makapanuod siya ng p**n video ay naging green na ang isipan.

"Bakit ka namumula?"

"Shit! Bakit ang hot niya?" naibulong ni Natasha sa sarili nang marinig ang mahinang tawa ng binata. Ayon naman ang mga daga sa kanyang dibdib at naghahabulan. Kahit pangalan lang nito ang mabigkas ay nakaka wet na sa kaniyang pakiramdam. Inirapan niya ito at naipagpasalamat nang umandar na ang sasakyan.

"Look at me." Mando ni Yael sa dalaga. Kanina pa ito nakatingin sa labas ng bintana at ayaw siyang lingonin or kausapin. Inihinto ang sasakyan sa isang tabi na hindi matao nang ayaw pa rin siyang kausapin ni Natasha.

"Hindi ba nangangalay iyang leeg mo diyan?"

Nang ayaw pa rin siyang pansinin ng dalaga ay inalis niya ang nakakabit na seatbelt sa sarili at umisod palapit sa dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP