JENNIFER POV
''JEN, ano ang ginagawa mo dito?" dahil sa matinding pagkagulat, hindi kaagad ako nakapagsalita! Pakiramdam ko biglang may kung anong matalim ng bagay ang biglang sumundot sa puso ko! Hindi ko kasi talaga ito inaasahan kaya naman tulala akong nagpapalipat-lipat ang tingin kina Elijah at Ethel.
'"Hindi ba't ako ang dapat magtanong? Ano ang ginagawa ni Ethel dito sa opisina mo?" nagtataka kong tanong. Napatitig na din sa akin si Ethel habang may pilit na ngiting nakaguhit sa labi.
"Ohhh, sorry Mam Jen! Nag-aaplay ako ng work. Narinig ko kasi na nangangailangan sila ng office staff at sakto naman na kailangan ko ng trabaho!" si Ethel na ang sumagot!
Talagang tinawag niya pa akong Mam gayung alam ko naman sa sarili ko na napipilitan lang sya! Iba ang sinasabi ng bibig niya na nakikita ko sa mga mata niya
"Okay Ethel, hintayin mo na lang ang tawag ng HR. You can go now!" narinig ko pang sambit ni Elijah bago ito tumayo at naglakad palapit sa akin!
Hindi naman ako