JENNIFER POV May matamis na ngiti na nakaguhit sa labi ko nang dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Elijah. Gustong gusto ko siyang i-surpresa sa presensya ko. Iyun nga lang nang tuluyan ko nang nabuksan ang pintuan ng opisina mukhang ako yata ang nasorpresa. Oo, nakaupo si Elijah sa kanyang swivel chair samantalng nasa likuran nito ang babaeng hindi ko inaasahan na kasama niya dito sa loob ng kanyang opisina. Nakapulupot ang dalawang braso nito sa leeg ni Elijah habang nakadukwang ito at magkalapat ang labi nilang dalwa. Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko ito inaasahan kaya tulala akong nakatitig lang sa kanilang dalawa. Napansin yata n Elijah na may taong nanonood sa kanila kaya naman napatitig ito sa gawi ko at nang makita niya ako, mabilis siyang napatayo na siyang dahilan kaya naghiwalay ang labi nilang dalawa ni Ethel. "A-ano ang ibig sabihin nito?" mahinang tanong ko kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. "Je-Jen...a-
JENNIFER POV Pagkalabas ko ng elevator, imbes na sa kotse ako dumirecho, naglakad ako palabas ng building. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo. HIndi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang naman ang gusto kong mangyari sa ngayun. Wala akong planong umuwi ng bahay dahil ayaw ko munang makita si Elijah. Masakit kasi talaga! Feeling ko nakaukit na sa isipan ko ang mga nakita ko kanina at sa pagkakataon na ito, hindi ko alam kung saan ako patutungo. Akala ko talaga puro saya na lang ang mararamdaman ko sa piling niya pero mukhang nagkakamali ako. Darating at darating pala talaga ang problema sa buhay at hindi ko talaga alam kung paano harapin iyun. Sa kakalakad ko, hindi ko na napansin pa nakarating na pala ako sa may kalsada. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo pero nang may humintong taxi sa harapan ko, tahimik akong sumakay at nang tanungin ni Manong driver kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang na dalhin niya ako sa pinakamalapit na
JENNIFER POV '"ANO ang kailangan mo?" naiinis kong tanong sa kanya! Salubong ang kilay at matalim ang mga matang nakatitig sa kanya. Kaagad na din naman siyang naupo sa harapan ko habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin! Kitang kita din sa mukha niya ang pagod at kung ano ang kasuotan niya noong nasa opsina niya ganoon pa rin hangang ngayun. Ibig lang sabihin nito, hindi pa din siguro siya nakakauwi ng bahay. Haysst, baka naman inihatid niya pa ang kerida niyang si Ethel sa kung saan? Or baka naman umiskor pa? Sa isiping iyun hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng sama ng loob. Nag-uumpisa na namang magbadya ang luha mula sa aking mga mata kaya naman mabilis akong uminom ng tubig. Tumitig sa labas ng restaurant kasabay ng pagpakawala ng malalim na buntong hininga Matapang ako at ayaw kong umiyak sa harapan niya. Sanay na akong masaktan kaya sisiw na lang sa akin ang ganitong bagay. "Jen...please! Alam kong galit ka sa nangyari pero sana huwag ka namang
JENNIFER POV "Kung ayaw mo nang kumain, sa bahay na tayong mag-usap! Oras na ng tulog mo at baka mapaano kayo ng baby natin." mahinahon niyang sagot sabay inilabas niya ang kanyang wallet. Nagpatong siya ng ilang lilibuhin sa ibabaw ng table at sinenyasan ang waiter na kanina pa patingin-tingin sa amin bago siya tumayo at inalalayan akong tumayo na din. Hindi na ako nagmatigas lalo na nang mapansin ko na sa amin na nakatingin ang ilan sa mga costumers na kumakain dito. Ayaw ko namang gumawa ng eksena at makita nila ang pagtatalo naming dalawa ni Elijah. Isa pa, pagod na din kaya ako. Galing ako sa pagsa-shopping at gusto kong mahiga na muna sa malambot na kama. Medyo mabigat na din kasi itong tiyan ko eh. Bilin pa naman ni Dok na iwasan ko daw ang ma-stress dahil makakasama iyun sa kalusugan ko at ni baby kaya naman ng akayin ako ni Elijah palabas ng restaurant wala na akong choice kundi ang magpatianod na lang. Direcho kami sa kanyang kotse! INalalayan niya akong makapasok sa
JENNIFER POV Direcho kami ng dining area. Pina-upo niya lang ako at siya na daw ang bahalang maghanap ng makakain namin sa ref. Tahimik na ang buong paligid at nang mapasulyap ako sa relo ng dining area, hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang mapansin ko na halos alas onse na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko at kung hindi pa siguro ako nakaramdam ng gutom baka hangang ngayun mahimbing pa akong natutulog. Ininit lang naman ni Elijah ang mga lutong pagkain na nasa loob ng ref. Mukhang hindi naman ito mga left over dahil may sealed pa ang iba at mukhang galing sa restaurant. "Bakit dalawang pinggan? Kakain ka din?" hindi ko maiwasang maisatinig nang mapansin ko ang dalawang pingan na inilagay niya dito sa ibabaw ng dining table. Napansin ko ang paguhit ng ngiti sa labi niya bago siya sumagot. "Kagaya mo, gutom din ako. HIndi pa ako kumakain ng dinner." sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Talaga lang ha? Hindi pa siya kumain ng dinner pero nagawa niyang pasuk
JENNIFER POV "Jen, alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari kanina pero pwede bang huminahon ka muna? Hindi pwedeng diyan ka sa ibaba matulog! Hindi ako papayag!'" seryosong sagot niya sa akin! "Huwag ka ngang makialam! Naiinis na ako kaya huwag mo nang dagdagan ang inis ko Elijah ah?" bigkas ko at kaagad ko siyang pinaningkitan ng aking mga mata! Wala lang! Gusto ko lang naman sana siyang sindakin kaya lang hindi yata effective! Nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing bigla niya na lang akong lapitan at matiim na tinitigan sa aking mga mata. "Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Hindi pwedeng ganito tayo! Hindi ako sanay na galit ka sa akin." bigkas niya! Inirapan ko lang siya at parang napapaso na biglang lumayo sa kanya. "Ewan! Basta, galit ako at wala kang pwedeng gawin para mawala ang galit ko sa iyo!" sagot ko at mabilis nang naglakad patungo sa banyo! "Sagit lang! Ayan ka na naman eh! Nag-uusap pa tayo tapos tatalikuran mo na
JENNIFER POV NAGISING ako kinaumagahan na magaan ang pakiramdam ko! Solved ako sa tulog ko at pagmulat ng aking mga mata kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nahihimbing pang natutulog na si Elijah. Yes...katabi ko siya dito sa kama habang kagaya ng nakasanayan nyang tulog, nakatagilid siya paharap sa akin at nakayakap ang isa niyang braso sa may tiyan ko! Para tuloy akong nahihipnotismo na napatitig sa gwapo niyang mukha! Why so pogi naman kasi! Siguro ito ang isa sa mga dahilan kaya kahit na sobra na ang tampo ko sa kanya hindi ko pa rin siya matiis at wala akong balak na bitawan siya. Ilang buwan na kaming kasal at nabuntis niya na ako pero sad to say hindi niya man lang nababangit sa akin ang salitang I love you! Ewan ko kung bakit! Siguro nga hindi niya pa talaga ako mahal at nangangapa pa sya sa feelings niya. Gayunpaman, willing naman akong maghintay kahit kailan pa iyun pero hindi ibig sabihin na pwede na siyang tumingin sa ibang babae! HIndi din siya pwedeng ma-i
JENNIIFER POV DAHIL sa sinabi ni Elijah na aalis daw kami hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Kung maliligo pa ba ako or direcho bihis na lang dahil kakain pa kami ng breakfast. "Hey, ano ang ginagawa mo? Relax! Malakas ka kay Mommy at hindi ka naman pagagalitan noon kapag malaman niya na hindi ka pa ready." narinig ko pang wika ni Elijah sa akin! "Sure ka ba talaga na may mga damit na ako diyan sa bag? KUmpleto ba? Ang mga vitamins ko, nailagay mo na din ba sa loob?" sagot ko naman kaagad sa kanya! Nakangiti niya naman akong nilapitan at hinawakan sa magkabilaan kong balikat. "Lahat ay okay na Sweetie ko! Hindi mo na din kailangan maligo dahil beach resort ang pupuntahan natin. Ang gagawin mo na nga lang ngayun magbihis ka at bababa tayo ng dining area at doon na natin hihintayin si Mommy!" nakangiti niyang wika sa akin "Pero, bad breath pa ako eh! Hindi pa ako nakapghilamos! Hindi pa din ako nakapagtoothbrush!" nakalabi ko na namang sagot sa kanya. "Eh di mag
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang
AMERY HEART POV "No!" malakas kong sigaw pagkatapos ng sunod-sunod na tatlong putok. Mariin akong nakapikit habang tumatakbo sa isipan ko na ito na nga siguro ang katapusan ko. Naming dalawa ng anak kong si Elizabeth. Isang masakit na kamatayan ang maranasan ko mula sa kamay ng mga kidnappers na ito. Kasalanan ni Rebecca ito eh. Siya ang dahilan kaya nasa ganito kaming sitwasyon at kahit sa hukay, hinding hindi ko siya mapapatawad. HIndi! HIndi lang pala si Rebecca! Pati na din pala ni Elias. Nag refused siya na ibigay ang ransom na hinihingi ng mga kidnappers kaya nangyari ito sa amin. Naging pabaya siyang ama ng anak kong si Elizabeth at kahit siguro sa kabilang buhay, hinding hindi ko siya mapapatawad. Kinamumuhian ko siya! "Misis, kung gusto mong iligtas ang buhay mo at ng anak mo, tumayo ka na diyan. Bibilang ako ng sampu. Nasa mga kamay mo na ang buhay mo. Bibilang ako ng sampu at kapag mahagip ka ng bala ng baril ko, hindi ko na kasalanan pa kung hangang dito na lang an
AMERY HEART POV PANGATLONG araw na namin dito sa maliit na kubo at hindi ko na mapigilan ang makaramdam ng kaba. Natatakot na ako sa posibleng magiging kapalaran namin ni Baby Elizabeth. Kahapon ko pa napapansin ang kakaibang kilos ng mga taong kumidnap sa amin. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Kahapon pa ng tanghali ang huli kong kain. Kagabi at kaninang umaga, hindi nila ako binigyan pa ng pagkain kaya alam kong may mali. Alam kong may hindi sila magandang plano sa akin at sa anak ko. "Babae....sumama ka sa amin. Ito na iyung oras para ibigay namin sa iyo ang sentensya mo!'" takot akong napatingin sa may pintuan ng kubo ng biglang nagsalita ang isa sa mga lalaking kasama na kumidnap sa amin. "A-ano ang ibig mong sabihin? Nagbigay na ba ng ransom si Elias? Pakakawalan mo na kami?" seryoso kong tanong. Napansin ko ang isang ngisi na kaagad na gumuhit sa bibig nito "Ransom? Eh gago ang lalaking iyun eh. Wala na yatang pakialam sa inyo dahil kahapon pa namin tinataw
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Ano na ba ang nangyayari sa mag-ina ko? Bakit hindi pa rin tumatawag ang mga kidnappers?" puno ng pagkadismaya sa boses na tanong ko sa mga kaharap ko. Nandito na sa bahay ang mga pinsan kong sila Christopher at Charles at ang kakambal kong si Elijah. Nagsanib pwersa na sila para mahanap si Amery since pangalawang araw na ngayun pero wala pa ring mga kidnappers ang tumatawag sa amin. Pati si Uncle Rafael ay tinawagan na din ang kakilala niyang magaling na imbistigador para hanapin si Amery pero wala pa ring naging balita. Halos mabaliw na ako sa matinding pag-aalala. HIndi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa bawat oras na nagdaan alam kong nagiging mas delikado ang buhay ni Amery pati na din ng anak namin. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Elias. Pasasaan ba at mahahanap din natin sila." seryosong sagot naman ni Chrsitopher. "Hindi ko na kaya pang maghintay. Mababaliw na ako. Pupunta ako sa police station at personal ko silang tatanungin