HINDI SIYA kumukurap. Ano pa bang mas sasakit sa tanawing nasa harap niya ngayon?
Ang CCTV footage na ito na siyang laman ng unang USB ang bumuhay sa mga larawang nakita niya. Nandoon siya nakaupo sa may counter habang nakatingin sa paligid, umiinom.Isinandal niya ang ulo sa upuan hanggang sa may lalaking humila sa kanya. Naikuyom niya ang kamao nang makilalang si De Salvo iyon. Nakita niya ang pagpupumiglas niya. Tandang tanda niya pa ang gabing 'yon.Ang kuha ng CCTV ay sa labas lamang ng VIP room. Ilang sandali ay lumabas ang apat na mga lalaki. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkagat doon. Una niyang nakita si Syete, halos hindi na tuwid ang paglakad nito. Gumegewang. Kasunod nito sina Lhexino, Estefan at Maquir. Nagtatawanan ang magkakaibigan, nag-usap usap sa labas ng silid.Kahit na parang pinupunit ang kanyang puso sa sakit ng pagtuklas sa katotohanan ay mas nananaig ang kagustuhan niyang malaman ang mga pangyayaring hind